Linggo na ngayon ngunit parang napakabagal pa rin ng oras sa katulad kong nalulunod sa kalungkutan. Akala ko kapag lumilipas ang panahon ay kasama nitong dinadala ang ala-ala ng pait at sakit subalit habang lumilipas ang panahon ay lalong lumalalim ang sugat. Nasa trial court kami ngayon at nakatingin lang ako kay tita luz na nagsasalita.
"Magtitirik po sana ako ng kandila sa harap ng bahay ni Rosie. Tuwing Martes at Biyernes ay ginagawa ko iyon nang marinig ko ang sigaw niya na humihingi ng tulong. Binuksan ko ang bintana ng bahay at narinig kong pinagkakatuwaan nila si Rosie at ang kanyang boyfriend. Aalis na sana ako papunta sa police station nang makita ko ang memory card, laman noon ang ebidensya sa pagpatay sa anak kong si Third. Pinakita ko sa anak ko 'yon at agad kaming nagtungo sa CIDG. Bago mangyari 'yon ay nakita ko rin silang ipinasok sa poly bag ang katawan ni Manong Pablito, 'yung matanda sa Block 28 na kaisa-isahan naming witness. Pinatay nila ang walang laban na matanda. Sinundan ko sila at itinapon nila ang bangkay sa tapat ng bahay ni Rosie."
"Objection, your honor. Hindi pinagkakatuwaan ng anim ng matitinong lalaki si Rosie kundi ang boyfriend ni Rosie ang pinagkakatuwaan siya. Tinurukan ng droga si Rosie at dahil sa galit niya pinatay niya ang kanyang boyfriend. There's no way that these innocent people are making funny things dahil sa mga oras na iyon ay nasa kanya-kanya silang trabaho. Si Siao nasa St. Peter, si Rassel nagdedeliver ng tubig, si Gregory at Eduardo ay pumapasada ng jeep, si Carl ay on duty at si Cedrick, nasa school."
"Ang tanga mo dahil pinagtatanggol mo ang mga walang hiya na 'yan." sabi ni tita at pinagtawanan siya ng mga tao.
"Of course. I'm a lawyer. I'm doing my job to protect them from your wrong accusation because according to crime investigation, noong namatay si Manong Pablito is 6 hrs ng nandoon sa harap ng bahay ni Rosie meaning around 12 midnight to one o'clock itinapon ang bangkay sa harap ng bahay. Bakit nandoon ka sa mga oras na iyon? Hindi kaya ikaw ang pumatay dahil sa galit mong ayaw niyang magwitness para sa anak mo?"
"Hindi ako mamamatay tao katulad nila." sagot ni tita.
" Noong nakita mo 'yung memory card, bakit sa CIDG ka nagdiretso at hindi sa mga police?"
"Hindi sila naniniwala sa'min. Ako ang ina na nagsusumbong sa kanila at humihingi ng tulong pero pinagtatawanan lang nila ako. Tinatabunan nila ang kaso ng anak ko, wala silang ginagawa, nakatambay lang sila. Porket ba retired police general ang ama ng mamamatay tao?" Napatingin ako sa mga police na biglang nag-ingay at naghysterical sa sinabi ni tita. Ang ingay nila, kung sino pa ay siya pa. Mga public servant pa man din. Natapos ng magtanong ang prosecutor ng kabila. Sa totoo lang dapat wala ng hearing na nangyayari dito dahil may matibay na ebidensya naman na kaming hawak. 'Yun nga lang, kailangan ay dumaan muna sa due process bago hatulan.
"Based upon these findings it is the order of the court that the defendant Siao, Rassel, Eduardo, Gregory, Carl and Cedrick is found guilty after listening to the evidence and argument of the counsel and is hereby sentence to reclusion perpetua to death for multiple violations in RA 8353 and RA 7659, such sentence will begin today in New Bilibid Prison while Cedrick, a minor will transfer to the custody of DSWD."
"This court is adjourned."
Napayakap ako kay tita at sa mga kuya ni Third pero mas pumukaw ng atensyon ko ay ang malakas na iyak ng bata.
"All the powers in the universe seem to favor the person who has confidence. 'Yan sinasabi ng mga lawyer kapag nananalo sila sa laban. Congrats." sabi ni Atty. Cesar at labis kaming nagpasalamat sa kanya. Napatingin ako kay Cedrick na nagpupumiglas na kunin ng DSWD samantalang sina Siao, Rassel, Eduardo at Carl na pare-parehas kulay kahel ang damit habang dinadala ng mga officer ng BJMP patungo sa mobile.
"Papa!" iyak ng bata at kita ko na umiiyak din si Rassel habang pasulyap-sulyap sa anak na tumatangis. Hindi ko na 'yan kasalanan. They get what they deserve at kulang pa ang life imprisonment para sa kanila. Nagmakaawa ako sa kanila pero hindi nila ako pinakinggan. Kaya, hindi ako maaawa sa mga makasalanan. Lumapit sa'kin ang nanay ni Rassel pati na ang apo niya at lumuhod sa harap ko. Hinawakan ng bata ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Brave Rosie [Novel]
Misteri / ThrillerRosie moved to city after she graduated in college to find a job. Pero pagdating niya sa bahay nila sa San Mateo may nagpaparamdam sa kanya, binabangungot siya tuwing matutulog at dumating pa sa point na nadepress siya. Dumagdag pa ang pakikipagbrea...