Chapter 1

62 2 0
                                    

Gaila POV

"First day of school na bukas nakakatamad" wika ko habang nakahilata sa sofa

"Hoy Gaila bawal na yang katamaran mo ha. College ka na kaya hindi na pwede ang pa easy easy lang" sermon ni Ate Gem

"Eh bakit ikaw pa-easy easy lang?" Banat ko

"Hoy, hindi ako pa easy easy no. Subsob ako sa pag-aaral. Bago nga matulog nag aaral pa ako eh, hindi mo lang nakikita kasi lagi kang tulog o wala sa bahay"

"Kaya lang naman ako laging tulog o wala sa bahay ay tinutulungan ko si Mama sa pagbebenta ng puto" wika ko

"Aysus...nauutusan ka lang naman ni Mama kapag may kailangan ka eh"

"Hindi noh baka ikaw hmmmp"

"Hay naku, magbago ka na Gaila para mas matuwa naman sayo si Papa"

Imbes na sumagot ay tumayo ako at pumunta sa kusina para kumain. Kaysa makipagtalo kay Ate kumain na lang ako.

Hello, ako nga pala si Gaila Marie Sanchez ang astig na anak ni Gina Sanchez at Paul Sanchez. May isa akong kapatid. Si Ate Gem, ang super enemy ko.

"Ate Gem labas muna ako ha" wika ko

"Saan ka na naman pupunta!"

"Dyan lang kina Via...may kukunin lang akong libro"

"Baka abutin ka na naman ng gabi ha!"

"Saglit lang ako ate"

Hindi ko na hinintay pa ang huling sasabihin nito dumeretso na ako palabas ng bahay.

*Via's House (My Super Friend)

"Kukunin mo na ba yun book?"

"Malamang, kaya nga nandito ako diba?" Wika ko

"Sungit mo talaga"

"Si Ate kasi eh, nakakainis!"

"Hindi ka na nasanay kay Ate Gem, nag iisa ka nyang kapatid kaya ikaw lagi ang pupunahin nun" wika ni Via

"Kahit na, sana man lang hindi puro mali ko na lang ang nakikita nya, may mga nagagawa din naman akong tama di ba?"

"Sus nagdrama na naman itong kaibigan ko. Alam ko naman na mabuti kang tao, nakikita ko nga ang mga ginagawa mo para sa pamilya mo diba?"

"Buti ka pa..."

"Yaan mo na sila Gaila, one day makikita din nila yung ginagawa mo para sa kanila. Ako din naman nabalewa din kung minsan ang mga bagay na ginagawa ko sa pamilya ko pero hinahayaan ko na lang. Basta ang mahalaga may ginagawa ka para sa pamilya mo...nakikita man nila o hindi"

"Naks! Salamat bhest!"

"Oh halika kunin mo na yung book na hinihiram mo para makauwi kana, alam kong pinapauwi ka na naman ng maaga"

"Mamaya na ko uuwi, maaga pa naman eh. Wala ako makausap sa amin kaya dito na lang muna ako" wika ko

"Osige, oo nga pala may bagong Clan ako sinalihan sali ka na din para kapag may EB may kasama ako" wika ni Via

"Osige, tamang tama nag-quit na ako dun sa isang Clan na sinalihan ko. Alam mo bang puro uhugin pa mga ka-clan ko as in elementary! My God, ang babata pa kung magligawan grabe!"

"Hahaha...dito ka na lang sa Clan namin, kasing edad lang natin ang mga members kaya masasakyan mo ang trip nila"

"Osige pasahan mo ako ng form para makasali na ako"

My ClanmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon