Via POV
"Babe labas tayo mamaya"
"Babe may klase pa ako eh, bukas na lang" wika ko kay Miko
Oo kami na. Actually hindi pa man nanliligaw si Dustin kay Gaila ay nanliligaw na si Miko. At after 3weeks ay sinagot ko na ito.
"After class mo na lang Babe"
"Oh sige"
Malapit na din ang third monthsary namin at excited na ako sa ibibigay kong gift for him. Si Gaila at Dustin naman ay until now M.U. at nagliligawan parin. Hay naku, naunahan ko pa si Gaila.
Maya maya lang ay tumunog ang cellphone ko.
From: Gaila
"Bhest nasaan ka na? Maaga dumating si Sir. Diego!"
Ang aga aga naman ng dating ng prof. na yun. Hindi pa nga ako paligo eh.
To: Gaila
"Ang aga naman, hindi pa ako paligo bhest. Kopya na lang ako kung may lecture kayo"
Gaila:
"Ano ka ba, major subject to bilisan mo na"Ako:
"Hindi na ako aabot bhest, maliligo pa ako at byabyahe"Hindi na ito nagreply pa. Kainis naman kasi, wala man lang abiso na maaga ang dating ni Sir.
Ewan ko ba, lately kasi tamad na tamad ako bumangon. Lagi na din ako late sa school. Lagi ako inaantok at ang gusto ko lang ay mahiga.
"Babe si Gaila ba yun nagtext sayo?" Tanong ni Miko
Nandito sya ngayon sa bahay. Nasa out of town kasi si Mom at Dad kaya dito ko pinatulog si Miko.
"Yeah, nandun na daw ang professor namin"
"Bakit ang aga naman? Akala ko ba alas-onse pa klase mo eh alas-nuebe pa lang"
"Ewan ko ba dun"
"Oh paano na, hindi ka na papasok? Labas na lang tayo"
"Wala naman akong choice, ligo muna ako" wika ko
"Sabay na tayo!" Wika nito
"Miko! Behave...!" Wika ko
Yeah, may nanyari na sa amin ni Miko. Last month ko lang isinuko ang bataan. Mahal ko eh, hindi ko na din napigilan kaya ayun anyare na ang hindi dapat. Naulit pa ito ng ilang beses na halos natural na lang sa amin.
Pagkatapos ko maligo umalis kami agad para lumabas. Time na din ito para makapaghanap ako ng best gift for him.
Gaila POV
"Bhest bakit late ka na naman? Napapadalas na yang pagka-late mo" wika ko
"Ewan ko ba bhest, tamad na tamad na lang kasi ako lagi bumangon"
"Ilang araw ka na din hindi sumisipot sa lakad natin. Busy si Dustin sa projects nya kaya ikaw ang gusto ko kasama. Si Miko na nga lang ang lagi mo kasama eh. Ikaw ha, napapabayaan mo na pag aaral mo"
"Mamaya mo na ako sermunan bhest, punta lang ako saglit sa cafeteria, nagugutom ako...gusto ko ng burger"wika ni Miko
"E di ba kadadating mo lang, saka may kinukuha lang sa Library si Sir. Perez baka maunahan ka mapagalitan ka na naman"
"Bhest please lang, nag-crave kasi ako sa burger" wika nito sabay labas ng classroom.
Napansin ko din na tumataba si Via. Hindi ko gusto ang naiisip ko pero wag naman sana. Halos sa kanila na kasi nakatira si Miko. Napadalas kasi ang out of town nina Tita Vina dahil sa bagong branch ng negosyo nila kaya naman si Via ang lagi naiiwan sa bahay. Hindi naman magawa makialam ng mga maids nila.
BINABASA MO ANG
My Clanmate
RandomSa panahon ngayon uso na ang sari saring social media. Kadalasan dito na din tayo nakakahanap ng mga bagong kaibigan o ng mamahalin natin. Hindi na din bago ang mainlove ka sa textmate mo. Si Gaila isang simple dalaga na may malaking pangarap sa bu...