Chapter 6

18 0 0
                                    

Gaila POV

"Anak, masama ang pakiramdam ng Mama mo kaya ikaw na muna ang maghatid ng puto kina Aling Helen" wika ni Papa

"Sige po Pa, tatapusin ko lang po itong paghuhugas ko ng pinggan" sagot ko

Super sigla ko ngayong araw. Ang ganda ganda kasi ng gising ko. Aga kasi nagtext ni Dustin sa akin hihi.

Maya maya ay nagpalit ako ng damit para magdala na ng puto.

"Papa, aalis na po ako" wika ko

"Sige mag iingat ka ha!" Wika ni Papa

Buti na lang day off ni Papa kapag linggo kaya may mag aalaga kay Mama. Medyo napagod kasi si Mama sa paghahanda kahapon sa birthday ko kaya nilagnat ito.

Dalawang sakay ako bago makadating kina Aling Helen.

"Oh Gaila bakit ikaw ang nagdala ng puto?"

"May sakit po kasi si Mama kaya ako po ang nagdala"

"Naku ganun ba, pakisabi e magpagaling sya. Oorder pa naman sana ako ng anim na bilaong puto sa makalawa kasi kasal ng anak ko"

"Naku Aling Helen wala naman po problema dun. Pwede naman po na kami ni Ate Gem ang gumawa ng puto"

"Sabagay alam nyo na ang timpla ng Mama nyo. Oh sige sa makalawa ko kukunin ha"

"Osige po"

"Oh eto yung bayad ko dito sa inorder ko. Sayo na yung sukli para pamasahe mo"

"Salamat po!"

Agad naman ako nakabalik ng bahay.

"Pa, umorder po uli si Aling Bea. Anim na bilao daw po ng puto para po sa kasal ng anak nya sa makalawa"

"Eh paano yan may sakit ang Mama mo. Baka mabinat ito kapag sya ang gagawa ng puto"

"Kami po ni Ate Gem ang gagawa. Kaya na naman po namin ang timpla ni Mama eh"

"Pero may pasok kayo di ba? Lunes na bukas"

"Pa, wala po kami pasok bukas dahil may retreat po mga prof. namin" wika ko

"Ganun ba, oh sige kayo na gumawa. Hindi ko kayo matutulungan kasi may trabaho ako"

"Ok lang po Pa, nandyan naman po si Ate"

Kinagabihan nagulantang ako nang sumulpot na lang si Dustin with pink roses na dala at chocolate. So, pumayag si Papa na ligawan na ako?

"Good Evening po Tito Paul, Tita Gina" bati nito

"Oh ikaw pala Dustin, pasok ka" wika ni Papa

"Salamat po, Gaila para sayo" wika nito sabay abot sa akin ng flowers at chocolate. Kilig much!

"A-ah s-salamat, upo ka" wika ko

"Dustin naghapunan ka na ba? Kumain ka muna" wika ni Papa

"Tapos na po Tito salamat po"

"Sige iwan na muna namin kayo" wika naman ni Mama na katatapos lang pakainin ni Papa

"Tita get well soon po" banat ni Dustin

"Salamat Hijo, osige aakyat na muna kami para makapag usap kayo ni Gaila"

Pagkaakyat nina Papa at Mama naiwan kaming tahimik ni Dustin.

"Nandito na ako!!! Opps! May gwapo pala kaming bisita"  wika ni Ate Gem na bigla na lang sumulpot

My ClanmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon