Chapter 7

17 0 0
                                    

Lately guys medyo busy ako kaya may mga chapter na maigsi. Basta hahabaan ko sya ngayon hehe..thanky!

Gaila POV

Abala kami ngayon nina Papa para sa pagbisita namin kina Ninang Dina, ang Mama ni Dustin.

"Gaila saan mo ba inilagay yung sandals ko?"

"Ate Gem naman, ikaw di ba ang nagtabi dun sa may ilalim ng cabinet mo kagabi?"

"Ay oo nga pala"

"Tumatanda ka na Ate, nagiging makakalimutin kana" wika ko

"Tse!!"

"Mga anak bilisan nyo at baka nag aantay na si Dustin"  tawag ni Maka

"Nandyan na po!!" Tugon namin ni Ate.

Nakakaexcite naman ang araw na ito. Makikita ko na naman ang mga future in-laws ko hihi ang feeling ko no!

"Pa, sa ****** Restaurant  na daw po tayo dumeretso. Nagtext  po si Dustin"

"Osige, buti na lang nagtext sya agad at malapit na tayo"

Nang makarating kami sa ******* Restaurant ay natanaw agad namin si Dustin. Agad ko ito sinenyasan.

"Halina po kayo dun Tito, Tita, Ate Gem"

Nang lumingon ang Mama ni Dustin ay napatayo agad ito.

"Kayo ba yan Paul at Gina??!" wika ni Ninang Dina

"Aba Dina ang taba mo yata, mukhang alagang alaga ka ni Pareng Kiko!" Banat ni Mama

"Oo nga eh, reynang reyna ako sa piling ni Kiko"

"Kumusta na Pareng Kiko?" Bati ni Papa

"Ayos naman, nakakatuwa naman at nandito kayo"

"Naku oo nga eh, buti na lang at nagkakilala ang anak natin kaya eto't nandito kami"

"Si Gem at Gaila na ba ito?" Wika ni Ninang Dina

"Oo Mare"

"Kay gagandang bata, hindi nyo na ba susundan ng lalaki?"  Wika ni Tito Kiko

"Mahirap ang buhay Pare kaya ayos na ang dalawang sakit sa ulo" banat ni Papa

Nagkatawanan naman sila. Kwentuhan at kumustahan habang kami ay masayang kumakain.

"Gaila yung bayad sa puto mamaya ko na lang iaabot ha"

"Wag mo na bayaran, gift na namin yun kay Ninang Dina"

"Naku eh sobra naman yata yun"wika ni Dustin

"Ok lang yun, birthday naman ni Ninang eh"

"Sige salamat, pwede ba kita imbitahan mamaya sa dorm ko?"

"What?! Ano naman gagawin ko sa Dorm mo?" Panic ko

"Don't worry kasama natin sina Mama at Papa. Gusto ko lang sana na imbitahan ka sa dinner namin mamaya"

"Hindi ba magagalit ang may ari ng dorm kung nandun kami?"

"Naku hindi, actually Pinsan ni Papa ang may ari nun kaya walang problema"

"Osige, magpapaalam muna ako kay Papa"

"Wag na, naipagpaalam na kita kanina at pumayag naman. Ihahatid kita pag uwi" wika ni Dustin

"Ang bilis mo talaga, naipagpaalam mo ako agad"wika ko

"Syempre naman"

Pagkatapos namin kumain sa Restaurant nagpaalam na sina Papa, Mama at Ate kina Ninang Dina at Tito Kiko.

"Oh Dustin yung anak ko ha wag mo pababayaan" bilin ni Papa

"Papa naman eh, para naman pong ikakasal na kami kung makapagbilin ka po"wika ko

"Pinaaalalahanan ko lang naman anak si Dustin"

"Don't worry po Tito iuuwi ko po ng buong buo si Gaila. Salamat po sa pagpayag"

"Wala naman problema yun, basta alam nyo ang responsibilidad nyo at ang limitasyon. Malaki ang tiwala ko sayo Hijo kaya kampante ako sayo"

"Naku Pareng Paul salamat sa pagtitiwala sa anak namin." Wika ni Tito Kiko

"Wala yun Pare, alam ko naman na maayos ang pagpapalaki nyo kay Dustin"

"Mare, Pare eto nga pala...gumawa kasi ako ng lecheplan. Iuwi nyo na itong apat para matikman nyo naman" iniabot ni Ninang Dina ang lecheplan kay Mama

"Naku salamat Mare, happy birthday uli sayo. Ingat kayo pagbalik nyo sa Laguna ha. Hayaan nyo at kami naman ang bibisita dun kapag walang pasok ang mga bata" wika ni Mama

Nang makasakay sina Mama, kami naman ay sumakay sa tricycle papunta sa Dorm ni Dustin.

Dustin POV

"Ma, alam mo ba na marunong na ako gumawa ng puto?"

"Totoo?"

"Opo, magaling po kasi magturo si Gaila." Wika ko

"Gaila turuan mo din ako gumawa ng puto kapag nabisita kayo sa atin"

"Sige po Ninang"

"Kumusta ka naman Hija, dalagang dalaga ka na nga at napakaganda" wika ni Mama

"Salamat po Ninang, okay naman po ako. Kumusta na po yung bakery nyo?"

"Ayun, ok naman. Mas malakas na benta namin nun magdagdag kami ng iba't iba pang tinapay"

"Bigla ko po na-miss yung hopia nyo. Tagal ko na po hindi nakakakain ng Hopia. Iba po kasi ang hopia nyo sa hopia dito sa Manila. Hindi po nakakasawa yung Hopia nyo. Yung pong hopia dito ang bigat bigat po sa tiyan"

"Sayang, kung alam ko lang na magkikita tayo sana dinalhan kita. Hayaan mo kapag nakauwi kayo dun padadalhan kita"

"Eh Hija pareho ba kayo ng University ni Dustin?" Sabat ni Papa

"Hindi po Tito, pero halos magkalapit lang po University namin"

"Mag aaral muna kayo ha, kung nililigawan ka man ng anak ko wag mo muna sasagutin ha. Pahirapan mo muna" wika ni Papa

"Papa naman...."

"Hayaan nyo po Tito pahihirapan ko po hehehehe" banat ni Gaila

"Ok lang, handa naman ako mahirapan basta ba ako lang ang nasa puso mo eh" wika ko

"Aba anak kelan ka pa naging korny?" Banat ni Papa

"Ganun po talaga kapag naiinlove Papa, nagiging korny sabi ni Miko"

"Nasaan nga pala yang si Miko?"

"Naku Mama, baka na kina Via"

"Sino naman si Via?"

"Ay Tito Bestfriend ko po si Via. Hindi ko po sure kung nililigawan na sya ni Miko pero halos araw araw ko po nakikita si Miko na nandun"

"Aba mali yata ang ganun, baka madisgrasya yung babae"

"Don't worry po Tito pinagsasabihan ko naman.po si Via. Nandun naman po ang mga katulong ni Via"

"Yan talagang si Miko kahit kelan pasaway"

"Lagi ko nga po yun pinagsasabihan Pa eh, kaso talagang pasaway"wika ko

"Basta kayo ha, wag nyo pababayaan ang pag aaral nyo. Mahaba pa ang oras nyo para sa pakikipagrelasyon. May mga bagay na hindi pa pwedeng gawin. Alam nyo na ng ibig kong sabihin. Mahirap ang mag asawa ng maaga. Mag aral kayong mabuti at kapag nakatapos na kayo tulungan nyo muna kaming mga magulang nyo saka kayo magpakasal"wika ni Papa

"Opo"

Madami pa kami napag usapan nina Papa. Masaya din kami naghapunan. Nang magpaalam sina Mama at Papa saka ko naihatid si Gaila.

My ClanmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon