Chapter 5

20 2 0
                                    

Gaila POV

"Oh bhest bakit bigla ka nawala, saan ka galing?" Puna ko kay Via

"Ah may kinuha lang ako sa bahay namin. Eto nga pala yung gift ko for you!" At iniabot nya sa akin ang isang regalo.

Agad ko naman ito binuksan.

"Oh My...ang favorite romance book ko!!" Wika ko

"Buti nagustuhan mo!"

"Super! Thanky! Super love mo talaga ako. Alam na alam mo mga hilig ko!"

"Syempre naman!"

"Alam mo ba, masayang masaya ako kasi walang sermon ako sa araw na ito"

"Aba dapat lang, birthday mo ngayon kaya awat muna sila sa sermon"wika ni Via sabay tawa

Nagkakatawanan kami ni Via nang.bigla na lang natigilan ang lahat nang may madinig kaming kumakanta sa labas ng gate namin.

"Ang aga naman magkaroling ang mga yun" wika ko

Tahimik lang naman si Via na nakamasid. Nang lapitan namin kung sino ang kumakanta nagulat ako.

Uso pa ba ang harana?
Marahil ikaw ay nagtataka
Sino ba 'to, mukhang gago
Nagkandarapa sa pagkanta
At nasisintunado sa kaba

Oh my gosh! Si Dustin. Ano bang ginagawa nya!

Meron pang dalang mga rosas
Suot nama'y maong na kupas
At nariyan pa ang barkada
Nakaporma naka barong sa awiting daig pa minus one at sing along

Napasulyap ako bigla kina Papa na malapit lang sa gate ng bahay namin. Tahimik lang ito nakikinig kay Dustin. Hindi ko mahulaan kung galit ba ito o hindi. Tahimik lang ito.

Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa'yong tingin akoy nababaliw, giliw
At sa awitin kong ito
Sana'y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana para sayo

Kahit sobrang tumatalbog na ang puso ko sa kaba ay hindi parin maiwasan na kiligin ako.

Napakagwapo naman kasi ni Dustin. Mas maganda pala ang boses nya kapag harapan na sya kumakanta. Sa cellphone lang kasi nya ako kinakantahan noon.

Hindi ba't parang isang sine
Isang pelikulang romantiko
Hindi ba't ikaw ang bidang artista at ako ay iyong leading-man
Sa istoryang nagwawakas sa pagibig na wagas...

Puno ang langit ng bituin

At kay lamig pa ng hangin

Sa'yong tingin akoy nababaliw, giliw
At sa awitin kong ito
Sana'y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana para sayo

Natapos ang harana. Hiyawan ang mga bisita ko pati na si Ate Gem na ngiting ngiti sa akin. Alam siguro nito na ako ang hinaharana nito.

"Happy Birthday Gaila" wika ni Dustin sabay abot ng isang human size na white teddy bear at three roses.

"A-ano ba yang ginagawa mo! Baka magalit si Papa!" Wika ko

"Handa akong harapin ang Papa mo para mapatunayan na seryoso ako sayo" wika nito

Oh my god! Nakakakilig. Oh wait si Papa! Papalapit ito sa amin ni Dustin.

*dug! Dug! Dug! (Tibok ng puso ko)

My ClanmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon