Gaila POV
Nang lumapag na ang eroplanong sinaksakyan ko papuntang Italy hindi ko maiwasan mapaluha. Ngayon pa lang ang bigat bigat na ng pakiramdam ko na hindi ko kasama ang pamilya ko.
"Gaila..!"
"Tita Silvia...!"
"Buti na lang at ngayon ka dumating, kailangan ka na kasi sa company dahil ang daming trabaho. Don't worry malaki ang sahod kaya worth it ang pagod mo" ang salubong agad sa akin ni tita
Workaholic kasi talaga si Tita Silvia kaya nga tumanta itong dalaga. Ang yaman na nga nito eh.
"Kailangan ko din po kasi lumayo" wika ko
Open ako kay Tita Silvia dahil siya ang pinaka close ko sa lahat ng kapatid ng Papa ko. Kahit busy ito at nandito sya sa Italy nakakausap ko ito. Pati nga ang mga nanliligay sa kanya naikwekwento sa akin. At syempre ako ang paborito nitong pamangkin dahil nga sa pareho kaming pasaway.
"Hmmm mukhang may kwentuhang magaganap mamaya ah. Oh sige bago pa ikaw mag kwento pumasok muna tayo sa loob, nagluto ako ng kare-kare para hindi mo ma-miss ang pinas"wika nito
Gets nya agad ako. Kaya panatag na din ako na si Tita Silvia ang kasama ko dito. May makakausap ako at may gagabay sa akin.
Malaki ang bahay ni Tita Silvia, kung tutuusin kasi pwede na syang hindi magtrabaho dahil mayaman na ito. Parang libangan na lang nya ang trabaho nya.
"Oh tikman mo luto ko"
"Naks, marunong na po pala kayo magluto?"wika ko
"Syempre! Nag aral kasi ako habang nag wowork ako dito, baka kasi bigla ako mag asawa edi marunong na ako magluto"
"So Tita may boyfie ka na?"wika ko
"Waley pa pero malapit na" wika nito
"Mabait ba yan Tita, baka naman tulad din yan nun last boyfie mo na babaero" wika ko
"Hindi ha, mabait si Charles at saka sobrang sweet"
"Gaano na po kayo magkakilala?"
"Well...two weeks na siguro"
"What?! TITA, TWO WEEKS PALANG?!" wika ko
"Grabe maka react..kaya nga hindi ko pa sinasagot kasi two weeks pa lang"
"Basta Tita wag mo muna sagutin ha. Baka mamaya saktan ka din nun"
"Natuto na ako"
Baby face si Tita Silvia kaya hindi talaga ito nauubusan ng manliligaw. Kahit nasa 30's na ito sexy parin ito at talagang makinis. Hawig nito si Ara Mina wala nga lang dimples.
"Eh ikaw naman, ano problema?" Biglang tanong nito
Biglang bumigat ang pakiramdam ko. Bigla ko naisip ang ginawa ni Dustin.
"Tita si Dustin po kasi ..."
At dun ko na sinimulan ikwento ang nanyare. Lahat lahat ay sinabi ko kay Tita Silvia.
"Alam mo Lala baka nagkakamali ka lang ng bintang kay Dustin. Nakilala ko si Dustin last year at alam ko na serious yun sayo"
"Pero Tita nakita ko po na kayakap nya"
"Tinanong mo ba si Dustin kung sino ang babae na yun?"
Umiling ako. Bakit ko pa tatanungin eh nakita ko naman.
BINABASA MO ANG
My Clanmate
RandomSa panahon ngayon uso na ang sari saring social media. Kadalasan dito na din tayo nakakahanap ng mga bagong kaibigan o ng mamahalin natin. Hindi na din bago ang mainlove ka sa textmate mo. Si Gaila isang simple dalaga na may malaking pangarap sa bu...