Dustin POV
"Iba ka na talaga ngayon Pinsan, idol na kita. Biruin mo yun, haharap ka sa istriktong Tatay ng babaeng mahal mo" wika ni Miko
"Sa makalwa na ang birthday ni Gaila. Sa araw na yun ako pupunta sa kanila. Wala na ako pake kahit magalit pa sya, desedido na ako"
"Naks! Kung kailangan mo ng resbak nandito lang ako ha"
"Oo kailangan kita"
"Oo ba, ano ba maitutulong ko sabihin mo lang Pinsan!" Wika ni Miko
Nakaplano na ang lahat, hinihintay ko na lang ang araw na yun. Sa tanang buhay ko ngayon ko lang gagawin ito para sa babaeng mahal ko. Ang babaeng una at huli ko nang mamahalin. (Eww ang baduy ko na)
"Tawagan na lang kita Pinsan kung ano ang papel mo sa panliligaw ko" wika ko
*School....
"Dustin!"
Napalingon ako agad sa babaeng tumawag sa akin. Si Via.
"Oh Via, bakit nandito ka sa University namin?" Tanong ko
"Bakit, ikaw na ba may ari nito ay bawal na ako pumunta dito?" Pilosopo nitong sagot
"So makikipag pilosopohan ka kaya ka nandito?" Banat ko
"Ikaw ha, akala ko pa naman matino kang lalaki" wika nito
"Anong sinasabi mo, matino akong lalaki okay?"
"Talaga? Eh bakit mo pa pinapunta si Gaila sa coffee shop nun isang araw eh may iba ka naman palang kasama!" Wika nito
"Kasama? Sino?" Wika ko
"Idedeny mo pa eh kitang kita namin na niyakap ka at hinalikan pa"
Napaisip naman ako, so nagpunta pala si Gaila?
"Kitam! Hindi ka na nakasagot!"
"Mali ang akala nyo Via"
"Mali? Eh nakita nga namin"
"Si Daisy ang nakita nyo, pinsan ko yun!"
"Pinsan? Eh bakit ka hinalikan?"
"Hindi nya ako hinalikan, nakipagbeso lang sya. Nagmukha lang siguro na hinalikan ako kasi malayo nyo nun makita kami. Nakababata ko yung pinsan, itanong mo pa kay Miko"
"Totoo ba yang sinasabi mo?"
"Oo naman, kaya ba hindi na dumating si Gaila dahil sa nakita nya?"
"Oo, nasaktan sya Dustin, akala kasi nya pinapunta mo lang sya para makita na may iba ka na. Nasaktan sya. Alam ko na hindi tama na ako ang magsabi nito pero mahal ka nya" wika ni Via
Parang tumalbog ang puso ko sa sobrang saya. Mahal din pala ako ng babaeng mahal ko. Tama pala ang hinala ko.
"Mahal ko din naman sya, mahal na mahal at alam nya yun. Pero bakit kailangan nya ako iwasan?"
"Mag usap na lang kayo Dustin"
"Actually, manliligaw na ako"
"What?!! Kelan?"
"In her special day, haharapin ko ang parents nya para humingi ng basbas na ligawan ko ang anak nila"
"Oh my gosh! Nakakakilig naman"
"Uy Via, wag mo sasabihin kay Gaila ang balak ko ha. Baka kasi maudlot pa ang ilang araw kong pinagplanuhan"
"Oo naman, I can help you din naman. Say it and I will help you!"
BINABASA MO ANG
My Clanmate
RandomSa panahon ngayon uso na ang sari saring social media. Kadalasan dito na din tayo nakakahanap ng mga bagong kaibigan o ng mamahalin natin. Hindi na din bago ang mainlove ka sa textmate mo. Si Gaila isang simple dalaga na may malaking pangarap sa bu...