Chapter 3

25 0 0
                                    

Guys pasensya na kung mabagal ako mag update. Busy din kasi ako sa business ko. Malapit na christmas kaya madami na ako ginagawa. Basta update lang ako ng update kapag may time. Thank you sa mga readers ko :')

Dustin POV

1week later...

"Pinsan isang linggo na hindi nagtetext si Gaila. Galit nga kaya sya dahil sa inamin ko?" Wika ko

"Pwedeng galit sya o pwede din na nabigla yung tao. Ang bilis mo din kasi pinsan eh. Pero proud ako sayo, iba ka na ngayon ha. Malaki na din ang pinagbago mo mula nang magkakilala kayo ni Gaila"

"Iba kasi talaga si Gaila, may ugali sya na talagang nagustuhan ko bukod sa pagkakatulad namin ng mga hilig"

"Di ba sabi mo istrikto ang Papa nya? Baka natakot na mapagalitan kaya iniiwasan ka"wika ni Miko

May point naman si Miko. Maaari nga na iniiwasan ako ni Gaila dahil sa Papa nya pero mahal ko na sya. Alam ko na sya na ang babae na para sa akin kaya hindi ako susuko na suyuin sya.

To Gaila:

"Magkita tayo mamayang hapon sa coffee shop. Maghihintay ako, hindi ako aalis hangga't hindi ka dumadating. Mag usap tayo"

Hindi na ako umasa na magrereply ito basta maghihintay ako.

Alam ko nabigla sya sa mga sinabi ko sa kanya pero alam ko na maiintindihan din nya ang nararamdaman ko.

Flashback....

"Bakit kasi hindi mo pa sabihin yung pag uusapan natin, kanina pa tayo nagkwekwentuhan eh" wika ni Gaila

Nasa coffee shop parin kami ngayon. Magtatapat na kasi ako sa kanya pero inuunahan ako ng kaba.

"Ah eh k-kasi..."

"Ano nga kasi yun?' Wika nito

"G-gusto ko sanang sabihin sayo na ...na a-angganda ng buhok mo!" Wika ko

"Yun lang? Pinapunta mo ako dito para sabihin na ang ganda ng buhok ko?" Wika nito

"H-hindi..."

"Eh ano nga kasi yun. Gabi na oh, mapapagalitan na naman ako ni Papa"

"Mahal kita at gusto kong ligawan ka!!" Wika ko

Natulala ito at natahimik. Hanggang sa magpasya na kami umuwi ay hindi parin ito nagsasalita. Para itong robot na walang imik na naglalakad kasama ako. Hindi din ito lumingon man lang sa akin bago pumasok sa bahay nila.

End of flashback...

Dun na nagsimula na hindi na nya ako tinetext. Wala ako magawa dahil bawal naman ako pumunta sa kanila dahil sa Papa nya. Pero ngayon desedido na akong ipaglaban sya. Maghihintay ako sa kanya mamaya.

*4pm (Coffee Shop)

Kadadating ko lang ng coffee shop. Inaasahan ko nang wala pa si Gaila.

"Kuya Dustin?"

Napalingon ako sa nagsalita.

"Daisy?" Wika ko

"Ako nga Kuya! Kumusta ka na, sina Tita at Tito nasaan?"

"Nasa probinsya, aba dalagang dalaga ka na ah. Dito ka din pala sa manila nag aaral?"

"Opo, inilipat ako ni Kuya Diego kasi andami ko manliligaw sa atin"

"Sa ganda mo ba namang yan eh, oo nga pala kumusta sina Tito Paul at Tita Nancy.?"

"Ok naman, may bago kaming negosyo dito din sa Manila kaya bihira na din kami makauwi sa atin. Teka, mag isa ka lang ba dito?"

My ClanmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon