Chapter 10

10 0 0
                                    

Dustin POV

"Oh bakit malungkot ka na naman?" tanong ko kay Gaila

Nasa bakuran kami ng kanilang bahay at nag tatanim ng bagong halaman. Nasira ang mga bulaklak at halaman nila nang magbagyo.

"Si Via kasi na-mimiss ko na sya" wika nito na abala sa pagtatanim

"Kausap mo sya kagabi di ba at okay lang sya dun sa Paris"wika ko

Yes! Nasa Paris na si Via. Nang malaman kasi ng Parents ni Via na buntis ito inayos na agad ng parents nya ang lahat para dalhin sa Paris si Via, sa Lola nito at para doon na manganak.

"Malapit na sya manganak at inaalala ko kung kaya ba nya. Wala sa tabi nya si Miko di ba?"wika ni Gaila

"Nandun naman siguro ang Parents nya kapag manganganak na sya"

Hindi kasi pumayag ang Parents ni Via na magsama agad sina Miko at Via. Nagpatuloy ng pag aaral si Miko para makahanap ng magandang trabaho.

"Kung pwede ko lang sana syang puntahan sa Paris. Wala naman din kami budget para puntahan sya dun" wika ni Gaila

"Uuwi din naman si Via di ba?"

"Hindi pa daw sigurado sabi ni Tita Vina baka dun na daw magpatuloy ng pag-aaral si Via."

"Wag ka na malungkot, nandito naman ako di ba?" Wika ko at niyakap ito.

Limang buwan na kami ni Gaila. Sinagot nya ako nun 18th Birthday ko. Yun na yata ang pinaka best gift na natanggap ko sa birthday ko.

"Buti nga nandyan ka, kung wala ka baka mabaliw ako kaiisip kay Via"

"Oh kayong dalawa dyan, tama na muna yang pagtatanim. Gumawa ako ng miryenda" wika ni Tita Gina

"Sige po Ma"

Nasa Baguio ngayon ang Papa ni Gaila kaya ilang araw na din nila ito hindi nakakasama.

"Ma, nasaan po si Ate?"

"Naku wag mo na hanapin ang Ate mo, nag paalam yun kanina na lalabas daw sila nun Owen. Ewan ko ba dyan sa Ate mo, bakit hindi yung lalaki ang pumunta dito at ang Ate mo pa ang nagpupunta sa lalaki na yun. Nag aalala nga ako na alam nyo na, yung...yung nanyare kay Via. Diyos ko, wag naman po sana"

"Matanda na po si Ate kaya alam na po nun ang tama at mali. Saka napagsabihan na po sya ni Papa kaya takot po yun"wika ni Gaila

"Dustin malapit na ang Holy week hindi ka ba uuwi sa Laguna?"

"Uuwi po ako Tita, may kukunin din po kasi akong gamit sa amin. Kayo po ba hindi uuwi sa atin. Lagi po kayo kinakamusta nina Mama at Papa"wika ko

"Yun na nga ang sasabihin ko sayo. Ang Papa kasi ni Gaila gusto umuwi. Dun daw kasi maganda magbakasyon. Alam mo naman na naantala ang pag uwi namin last year dahil nga sa trabaho ng Tito paul mo"

"Talaga po Mama? Uuwi tayo sa Laguna!?" Wika ni Gaila

"Oo, tinatapos lang ng Papa mo ang trabaho nya para makapag relaks na lang tayo sa Holy week"

"Yes! Yes! Yes! Matitikman ko na uli ang hopia ni Ninang Dina!"wika ni Gaila na parang bata

Masaya akong makita na nakangiti na sya ngayon. Masakit sa akin nakikita syang malungkot kaya hangga't kaya ko sya pasayahin ay gagawin ko.

Gaila POV

"Ang sarap sarap ng hopia Ninang Dina. Ito parin po yung dati kong kinakain kapag nandito po ako sa inyo"wika ko

My ClanmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon