Chapter 13

5 1 0
                                    

Gaila POV

"Psst. Gaila pinatatawag ka daw ni Boss sa office nya" wika ni Pia, ang workmates kong super kikay

"Why?'

"I don't know, baka ipro-promote ka na"

"Baliw! Agad agad?" Wika ko

"Hahaha biro lang, dali punta ka na"

Agad naman ako pumunta. Medyo kabado pa ako pero wala naman ako maisip na maling ginawa.

*tok tok!

"Come in!" Sagot nito

"Sir pinatatawag nyo daw po ako?"

"Maupo ka"

Umupo naman ako agad. Kinakabahan parin ako, may kakaiba kasi ako nararamdaman.

"Pinatawag kita kasi may gusto kumausap sayo"

"Sino po?" Wika ko na takang taka

Lumapit ito sa isang pintuan na papunta sa private room nya at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang lalaking lumabas dito.

"DUSTIN?!!!" wika ko

"Sige maiiwan ko muna kayo, may aasikasuhin pa ako"wika ni Mr. Bueza

"P-pero Sir..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang lumabas na ito ng pintuan.

"Gaila i miss you!" Wika ni Dustin na bigla ako niyakap

Kumawala ako dito.

"Wag mo ako hawakan!" Wika ko

"Please let me explain, mali ang hinala mo"wika ko

"Wala akong panahon makinig sa paliwanag mo. At kung inaakala mo na patatawari kita just because na pinuntahan mo ako dito..nagkakamali ka!!" Wika ko

Binuksan ko ang pinto palabas ng office ni Mr. Bueza pero nakalock ito sa labas. Naikulong pala kami ni Mr. Bueza. Ano ba ang kaugnayan nila, bakit tinutulungan ni Mr.Bueza ang mokong na ito.

"Hindi ka makakalabas dito hangga't hindi mo ako kinakausap. Sana makinig ka naman muna sa akin"

"Ok fine, explain now!!" Wika ko

"Si Camille ang nakita mo na kayakap ko"

"So alam mo na nakita kita that time?"

"Si Ate Gem ang nagsabi sa akin ng lahat"

"So babae mo nga ang Camille na yun?"

"Ofcourse not! Girlfriend sya ng pinsan ko sa Cavite. At yung yakap na yun ay yakap ng magkapatid."

"Pero ang sabi mo kasama mo ay ang kaklase mo para sa group project. Sinungaling ka!"

"Oo kasama ko nga sina Lorraine at Charles pero pagkatapos namin mag meet tinawagan ako ng Pinsan ko para makipag kita ako kay Camille para sa wedding invitation nila next month"

"Pero sabi sa akin nun mga babae na nakatambay lagi kina Aling Bea na babae mo daw yun"

"Ang mga babae na yun ang gustong sirain ang relasyon natin dahil may gusto yun sa akin"

"Ang mga higad na yun!!"

"So ano, naniniwala ka na?"wika ni Dustin

Tumango ako. Niyakap ako nito at syempre ako din. Grabe, natatawa na naiinis ako sa  sarili ko. Sobrang OA ko lang pala. Bakit ba ako naniwala agad sa mga yun. Bakit hindi muna ako nagtanong.

My ClanmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon