Chapter 2

44 0 0
                                    

Dustin POV

3Days Later...

"So you mean sya yung babaeng lagi nagsusungit sayo kapag umoorder ka ng puto?" Wika ni Miko

"Yeah..."

"Tingnan mo nga naman ang pagkakataon noh, biruin mo yung lagi mo katext at katawagan na halos maging jowa mo na yun pala yung super enemy mo hahaha"

"Walang nakakatawa Pinsan, nakapang hihinayang lang kasi pinsan eh. Akala ko makakatagpo na ako ng babaeng makakasundo ko at makakasakay sa ugali ko"

"Pero pinsan matagal na naman yun diba? Hindi pa ba nyo nakakalimutan yun?"

"Nakita mo naman yung reaksyon ng babae na yun...ang OA diba?"

"Yeah, nagulat nga yung mga clanmates natin eh dahil sa walk out drama nya, naisama pa nya si Buko Pie ko"

"Wag na nga natin pag usapan ang babae na yun"

"Makipag ayos ka na lang pinsan pala okay na kayo"

"Ako? Makikipag ayos sa kanya? Wag na uy!"

Napailing si Miko sabay labas ng kwarto ko.

Napaisip na din ako, bakit ba kasi hindi nalang kami mag usap? Kaso hindi ko naman ugali na maghabol sa babae o makiusap, kung ayaw nya di wag.

Maya maya may nagtext sa akin.

From Strawberry:
"Kita tayo bukas sa coffee shop, alas tres ng hapon"

Whoa! Nagtext sya at gusto makipag kita? Anong spiritu kaya ang sumanib sa babae na ito.

Reply ko:
"Okay..see you"

Hindi ko alam pero napangiti ako bigla. Hindi ko alam kung dahil ba sa magkikita kami o dahil hindi na sya nagsungit sa akin.

Kinabukasan....

2:30pm pa lang ay nasa coffee shop na ako.

Maya maya lang ay nakita ko na sya at kasama nya si Buko Pie (Via)

Tumayo ako para batiin sila pero kakaiba ang reaksyon nito.

"Anong ginagawa mo dito!!" Wika nito

Napakunot ako ng noo, anong problema ng babae na ito. Pinapunta nya ako tapos tatanungin nya ako kung anong ginagawa ko dito.

"Anong ginagawa ko dito? May toyo ka ba eh nagtext ka sa akin kagabi na magkita tayo ngayon" wika ko

"Huh? Ako nagtext sayo? Ikaw yata may toyo eh!"

"So sino yung nagtext sa akin? Multo?" Wika ko

"Ah excuse me, iwan ko muna kayo ha" wika ni Via (Blueberry)

"Wait! May alam ka ba dito bhest?" Wika ni Strawberry (Gaila)

"Eh bhest subukan nyo lang mag usap"

"So ikaw ang nagtext sa gunggong na to?"

Maya maya lang sumulpot si Miko.

"Anong ginawa mo dito?" tanong ko

"Gusto namin na magkaayos kayo kaya mag usap na kayo" wika nito

"Ayoko makipag usap sa lalaki na yan uuwi na ako!" Wika ni Strawberry

"Alam nyo para kayong mga bata. Hello! Umayos naman kayo, tinalo nyo pa yung mga bata kung mag away eh. Isa pa ang tagal tagal na nun, move on guys!!" Wika ni Via na halata nang galit

My ClanmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon