Dustin POV
After ng exams namin inaya ko si Gaila mamasyal.
"Kumust exams mo?" Tanong nito
Nasa isang park kami at nagpapahinga. Napagod kasi kami kalalakad kanina sa Manila Zoo.
"Ayun okay naman, hindi naman ako nag aalala na baka bumagsak ako. Sigurado ako na pasado ako"
"Naks!"
"Ikaw kasi ang inspirasyon ko, alam mo ba Gaila napakalaki ng pagbabago ko mula nang makilala kita. Yung pagka-nerdy ko pa noon iba na ngayon. Mas gumanda at naging exciting ang bawat araw ko lalo na kapag kasama kita. Sobrang swerte ko, noon kasi takot ako sa Papa mo kasi baka hindi ako nito magustuhan. Pero mabait ang Diyos na ibinigay nya sa akin ang babaeng mula pagkabata ay mahal ko na" wika
"Ganun din ako Dustin, yung unang araw pa lang na magtext ka sa akin ang gaan na agad ng pakiramdam ko sayo. Malas nga lang yung unang araw na magkita tayo. Kahit si Mama na inorderan mo ng puto noon ay hindi ka nakilala!"
"Alam mo naman na gusgusin pa ako noon, malaki na ang pinagbago ko di ba? Gwapo na!" Wika ko
"Ang yabang ha!" Wika nito
"Eto naman...halika na nga, kumain na muna tayo bago umuwi. Kanina pa ako nagugutom eh"
"Ako nga din eh, napagod din ako sa paglilibot"
Alas-syete ay naihatid ko na ito sa bahay.
"Si Miko ba yun?" Tanong nito
"Si Miko nga...b-bakit may kasamang babae?' Wika ni Gaila
"Teka lalapitan ko!"
Agad ko naman nilapitan si Miko na nasa tindahan at may kausap na babae at naka-akbay pa ito.
"Pinsan!!"
"D-Dustin..b-bakit nandito ka?"
"Sino yang kasama mo, nasaan si Via?"
"Ah wala ito, kaibigan ko lang. Bakit ka ba nandito?"
"Naihatid ko lang si Gaila, umuwi ka na sa Dorm kasi hinahanap ka ni Tiya"
"Bukas na ako uuwi, may pupuntahan pa ako eh"
"Saan?"
"Pinsan pwede ba wag ka nang madaming tanong, sige una na kami" wika ni Miko
Malakas ang kutob ko na babae ni Miko ang kasama nito. Napapailing na lang ako sa katigasan ng ulo nito. May girlfriend na nga lumalandi pa sa iba.
"Sino daw yun?
"Kaibigan daw nya"
"Kaibigan? Kaibigan ba yung panay ang akbay at himas nya sa babae na yun?" Humanda yang pinsan mo, isusumbong ko sya kay Via!"
"Hayaan na natin na si Via ang makahuli. Tayo pa ang lalabas na masama kung tayo ang magsasabi lalo na kung wala tayo ebidensya"
Hindi na sumagot si Gaila, alam na nya ang ibig kong sabihin.
Nang maihatid ko ito sa bahay umuwi din ako agad. Sinubukan ko tawagan si Miko pero hindi na ako sinasagot. Hindi ko alam kung ano na ba talaga ang nanyayare sa pinsan ko. Lumala pa ito sa mga kalokohan nya.
Kinabukasan nakita ko na lang si Miko na natutulog na sa kwarto nya. Ilang araw na din ito hindi pumapasok kaya nag aalala na din ako lalo na para kina Tiya Mila at Tito Nelo na nagpapakahirap sa pagtratrabaho sa ibang bansa para lang sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Clanmate
RandomSa panahon ngayon uso na ang sari saring social media. Kadalasan dito na din tayo nakakahanap ng mga bagong kaibigan o ng mamahalin natin. Hindi na din bago ang mainlove ka sa textmate mo. Si Gaila isang simple dalaga na may malaking pangarap sa bu...