Gaila POV
"Bhest kelan ka ba talaga uuwi, 2years old na yang inaanak ko hindi ko parin nakakarga. Akala ko ba uuwi na kayo" wika ko habang kausap sa skype si Via
Mabilis lumipas ang panahon. Graduating na ako at si Dustin habang si Ate Gem naman ay isa nang Editor Assitant sa isang company sa Makati. Sila parin ni Kuya Vincent. Nasa Barko na si Kuya Vincent na isang ganap na seaman. Ang bilis bilis ng panahon di ba?
"May nanyare kasing problema sa papel ko kaya na-delay ang uwi namin pero don't worry bhest inaayos ko na yun...soon magkikita din tayo!"
"Promise yan ha, malapit na ang Graduation ko kaya gusto ko sana na nandun ka, kayo ni Baby Mikael" wika ko
"Oo bhest, ginagawan ko na ng paraan, oh sige na bhest skype na lang tayo uli mamaya ha. Nagising na kasi ang inaanak mo, kailangan ko na asikasuhin"wika nito
"Sige, ihalik mo na lang ako kay Mikael...bye!" Wika ko
Pagkatapos ko isara ang laptop ko naisipan kong tawagan ang aking Mahal.
*Hello Mahal busy ka ba?
*Pasensya na mahal ha, may ginagawa kasi ako project. Kailangan ko na kasi ito ipasa.
Wika ni Dustin sa kabilang linya. Pero nagtaka ako kung bakit may nadinig akonh babae na tumatawa at kausap si Dustin.
*Sino kasama mo Mahal?
*ah..eh si Lorraine at Charles..mga ka-group ko, sige na Mahal tatawag na lang ako sayo mamaya ha Ilove you!
Wika nito sabay ibinaba ang tawag ko. Bigla ako nakaramdam ng panlalamig. Ayoko sana maging paranoid pero hindi ko maiwasan mag isip dahil minsan na lang kami magkasama ni Dustin dahil na din sa dami ng aming ginagawa dahil Graduating na kami. Halos isang beses sa isang linggo o minsan ay isang beses na lang sa dalawang linggo sya nakakadalaw dito sa bahay. Hindi ko din maiwasan maghinala, kung ano ano ang naiisip ko kaya minsan ay nag iiba ang mood ko.
"Anak pwede mo ba ako ibili muna ng asin sa tindahan kinulang kasi yung niluluto ko, ubos na kasi asin natin" utos ni Mama
"Sige po Ma..." wika ko
Pagpunta ko ng tindahan napansin ko ang mga tambay na kabataan na kasinh edad ko din.
"Aling Bea pabili po ng asin" wika ko
"Di ba ikaw yung girlfriend nun gwapong lalaki na nagpupunta sa inyo?" Bigla tanong ng isa sa mga babaeng tambay
"H-ha...b-bakit?"wika ko
"Kayo pa ba?" Wika naman nun isang babae
"O-oo b-bakit nyo tinatanong?"
"Eh kasi nakita namin sya kanina sa coffee shop may kasamang magandang babae. Akala namin new girlfriend nya kasi sweet na sweet sila nun girl" wika naman nung isang babae
"Baka naman nagkakamali kayo, kausap ko kanina lang ang boyfriend ko at busy sya sa pag gawa ng project" wika ko
"Sana nga mali kami pero sigurado kami na sya yun"
Natahimik ako, hindi ko man nasisiguro na totoo ang mga sinasabi ng mga babaeng ito nakaramdam parin ako ng kirot sa puso ko.
Hindi ko na pinakinggan pa ang iba pa nila sinasabi lumakad na lang ako palayo dahil baka hindi ko na din kayanin ang iba pa nila sasabihin.
"Oh anak bakit ang tagal mo?"
"Ah eh m-madami po kasi bumibili Ma, sige po akyat na po muna ako" wika ko na mabilis na umakyat ng hagdan at nagkulong sa kwarto.
BINABASA MO ANG
My Clanmate
RandomSa panahon ngayon uso na ang sari saring social media. Kadalasan dito na din tayo nakakahanap ng mga bagong kaibigan o ng mamahalin natin. Hindi na din bago ang mainlove ka sa textmate mo. Si Gaila isang simple dalaga na may malaking pangarap sa bu...