Kabanata 1

322 63 2
                                    


Achilles

Dali kong sinuot ang binigay na dress sa akin ni Clarisse, ito ay gawa sa manipis na tela na matingkad ang kulay na puti dahil ito lamang ang simpleng bestida na binigay niya sa akin dahil ang ibang bestida ay sobrang ganda ngunit nakakahiya naman suotin dahil andito lang naman ako sa mansion. I wear her 3-inch heels and put some powder and lip tint. Ito lamang ang mayroon akong pang-ayos dahil hindi ko naman alam paano mag-make up.

When I look at myself in the mirror while combing my hair, I am silently praying that our plans will work. Mukha na akong nasa 18 edad dahil sa katawan at height ko. Hindi malaki ang aking hinaharap pero sakto lang sa edad kong 16, may curve din naman ako at 'yun yung laging sinasabi sa akin ni mama para mapaniwala akong sexy. But for me, I'm just a potato.

I heard knocks, so I immediately open it and I saw Nanay Selli.

"Clai- este Clarisse! pinapatawag ka ni Senyora, nagkakasiyahan sila sa dining room. Halika na," sabi niya sa akin.

Alam ng mga tao sa loob ng mansion ang plano marahil nga kasama sa nagplano si Senyora na kailangan kong tawagin na Mommy. Si Nanay Selli ay kaibigan ni mama kaya kilala ko siya, at siya lang ang tangi kong pinagkakatiwalaan sa loob ng mansion.

Nakarating kami sa hapag-kainan, at nakita ko nga na nagkakaroon ng kasiyahan duon habang kumakain. Napatingin silang lahat sa akin, naramdaman ko ang kaba habang linilibot ang tingin sa mga estranghero na nasa aking kaharapan. Si Senyora na ang nagbasag ng katahimikan.

"Andiyan ka na pala Clarisse... please have a sit beside me" sabi niya.

Lumapit naman ako sa pwesto niya at umupo sa kaniyang tabi gaya ng sabi niya. Para akong aso dito sa mansion na tanging pagtango at oo lang ang kaya kong gawin kapag inuutusan o tinatanong nila ako.

"Siya ba yung anak niyo ni Adam?" sabi ng lalaki na sa pagtingin ay nasa edad 50 na.

"Yes Enrico, My one and only daughter. Clarisse De Marquez," pakilala ni Senyora na ginawaran ko nalang ng ngiti.

Sa sobrang kaba ay para na akong sasabog sa aking kinapupunuan, gusto kong kainin na ako ng lupa dahil sa tingin nila sa akin.

"She's beautiful, am I right Evander?" sabi ng babae na kasama nila.

Evander didn't respond and continue eating like I didn't exist here.

"Clarisse, this is our first-born child Evander Achilles. Evander, this is Clarisse De Marquez. I know you are aware for your engagement.We are hoping that you will be get closed to each other before your engagement party, right Balae?" sabi ng ina ni Evander.

"Yes, balae. Kaya Clarisse, do your best as fiancee to Evander. After this tour him around 'ha?" sabi niya sa akin.

Hindi ko alam paano ako sasagot dahil ako nga mismo ay hindi kabisado ang mansion. Kakapasok ko palang sa mansion tapos ako na magto-tour? Baka hulaan ko lang yung mga kwartong sasabihin ko.

"She doesn't need to tour me around; I can handle myself here. Hindi naman isang beses lang akong nakapasok dito" Evander explained while sipping his juice.

"Pero anak you still need her. Habang tino-tour ka niya you can... well, get to know each other."

"Tama ang sinabi ng mommy mo Evander," gatong ni Senyora.

He didn't respond because he knows that he can't win to the two women.

"Let's continue our plans on their wedding Balae" Senyora said and start laughing.

Habang pinaguusapan nila ang kasalan at ang engagement party na mangyayari sa sabado, hindi ko maiwasang mapatitig sa mga kasama ko. When they start eating, I observe that they are eating using knife and fork. They are not eating rice and how they talk looks like they are high class people, no wonder they are truly rich. I came to think that... diet ba sila?

Sweet Mistake ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon