Kabanata 27

164 10 1
                                    


Wish

"Kuya safe ba 'toh?" maluha-luha kong tanong.

Wala akong nagawa nung nahila ako ni Evan papunta dito sa may Zipline, hanggang ngayon ay nangangatog pa rin ako sa sobrang kaba habang si Evan ay natutuwa sa reaksyon ko. Matalim ang tingin ang ginawad ko sakanya ngunit hinayaan niya lang ako.

"Naku! Safe naman po 'yan Ma'am! Hawak lang po kayo dito sa tali," sabi nung lalaki sa akin.

"Paano kung mapigtal 'yan habang papunta ako sa dulo ro'n!" Halos mag-hysterical na ako nung may kinabit sila sa bewang ko at sinuot sa akin ang helmet nila.

"Don't worry Claire, wala pa namang naaaksidente dito," saad ni Evander na nasa likod ko lamang.

"Paano kung ako na 'yon?!"

"Ma'am subukan niyo nalang po!" hindi na rin mapakali yung lalaki sa dami kong tanong.

Akmang itutulak na nila ako ngunit pinigilan ko sila. "Hu-huwag! A-ayoko na talaga!" Lumapit sa akin si Evander at niyakap ako kaya napatigil ako sa paghy-hysterical.

"I love you baby," bulong niya sabay tulak sa akin para maka-alis.

"AAAAAAAAH! I HATE YOU EVAAAAAN!" tili ko habang umaandar ako patungo sa kabilang tower. Nanatili lamang akong nakapikit at sumisilip lang ng onti sa harapan upang tanawin kung malapit na ba ako, sa lakas ng hangin ay sobra akong nanlalamig.

Nang maka-apak ako sa tower ay hinila ako ning manong nung ma-out of balance ako, tinanggal agad nila lahat ng naka-kabit sa akin. Parang naiwan ang kaluluwa ko ro'n kaya nanatili lang ako nakatitig sa harapan.

Nahagip ko si Evan na kusang tumalon sa kabilang tower habang may selfie stick siyang hawak at nakatutok iyon sakanya. Nang luminaw ang mukha niya sa akin ay nakita kong naka-ngiti lang siya habang malikot ang kanyang mga mata na umiikot sa mga tanawin. Nang maka-punta siya sa pwesto ko ay tinanggal niya agad ang mga naka-kabit sakanya at lumapit sa akin.

"It was fun Claire! We should try it again!" Tumingin ako sakanya ng masama ngunit tinawanan niya ulit ako.

"The view looks good too," kumento niya. Bumaba na kami sa tower na tahimik pa rin ako kahit puro daldal siya tila nagsi-sink in pa rin sa akin ang lahat.

"Nakakainis ka! Bakit mo ko tinulak kanina?!" sigaw ko at pinaghahampas siya sa dibdib. Hinawakan niya ng mariin ang kamay ko bago ako niyakap.

"I'm sorry, okay? It was a great experience, right? Atleast you face your fears." sabi niya habang tumatawa pa rin kaya kinurot ko ang tagiliran niya.

"Bwiset ka pa rin!" sabi ko at naunang pumunta sa tindahan.

"Here, drink this." abot niya ng isang bottled water nung nakalapit na siya. Agad ko din naman iyon tinanggap at ininuman.

"Huwag na tayo ulit sumakay du'n." Hinihingal kong saad sakanya.

Tumingin siya sa akin bago ngumiti at tumango. "If that's what you want, mukhang natakot ka talaga eh HAHAHA."

Napadako kami sa mga souvernir shops dito, nakabalandra sila sa bawat gilid ng daan. Mostly ay mga keychains at bracelet na pwede kang magrequest na lagyan ng pangalan ang mga gamit. May mga t-shirts den na may tatak na 'Tagaytay' tsaka mga lobo at mga naka-pack na biscuits or mani.

"Are you hungry? It's already 2 pm," bigkas niya.

"Late na pala tayo magla-lunch," saad ko at tumango sakanya.

"Yeah, hindi na napansin ang oras." Sabi niya.

"Saan naman tayo kakain?" tanong ko ngunit hindi siya sumagot.

Sweet Mistake ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon