Kabanata 29

148 11 2
                                    


Blood

Blood.

The one of the strongest fluid inside of our body. There's blood everywhere. I look at Bri and Hyacinth who's crying right now. I felt the fluids streaming down on my face, I can't even move my legs that is aching now.

"C-call Ambulance p-please."

"We need help."

Is it the end of us? Bigla kong naalala ang lahat ng nangyari, the moment with my family and Evan. Kung gaano kami kasaya sa Cebu at umuwing masaya dito sa Maynila, I remember how Evan claimed me as his. Naalala ko rin ang mga kaibigan na naiwan ko simula nung nag-cruise ako.

Ganito ba kapag malapit nang mamatay? Maaalala mo ang lahat ng nangyari sa buhay mo?

Sana pala hinayaan ko nalang si Evan na gawin ang gusto niya para lang makasama siya sa huling hininga ko. I want to see and hug him for the last. Sana pala niyakap ko nalang siya bago ako umalis sa hotel room namin.

The memories flashed on my parents happily eating together. How they handle, forgive themselves about their past. Ngayon na kailangan ako ni Dad dahil may nangyari sa kumpanya pati sa mama ko ay na-aksidente pa talaga ako. Pinilit kong gumalaw at maka-alis.

Hindi pa ako pwedeng mamatay. Hindi pa pwede dahil kailangan ako ng magulang ko lalo na ngayong naghihirap kami!

Sabay kaming bumabang tatlo sa sasakyan ni Bri, inalalayan pa nila ako dahil hindi ko na magalaw ang kaliwang binti ko. Lumayo kami sa sasakyan bago umupo sa gilid dito sa highway.

Paano nga ba kami nalagay sa sitwasyong ito?

I remember how fast we move just to go back in Manila after I heard the news about my Mom.

"Bri sabi nila Cassie may problema daw sa office kailangan daw natin agad pumunta." Si Hyacinth na kinakabahan ngayon.

"Dios ko ano nanamang nangyari," hindi mapigilan ni Bri na mapahilot sa sentido habang nagmamaneho.

Umiiyak lang ako sa likod habang nakatitig sa text ni Daddy kung saang hospital dinala si Mama. Hindi ko alam kung bakit nangyayari ito sa amin, hindi naman ako makasalanang tao para pahirapan ng ganito. Masyadong masakit para sa'kin ang lahat at hindi ko na ata kakayanin pa kung may mangyaring masama kay Mama.

Nagulat kami nung mayroong kotse na nagover-take sa harapan namin at dumiretso papunta sa amin. Dahil isang daanan lamang ay impossible na maka-daan ito sa gilid namin.

"BRYAN IHINTO MO!"

Instead of stopping the car he tried to move on the left side of the road and yet the car still hit us and it made a loud scratch and sounds. Napa-atras pa ang kotse namin hanggang sa bumangga ito sa pader sa gilid. I thought that will be the end of our lives but luckily we get out safe from the car.

"Tangina mas napuruhan si Tyche, Bri! Andaming dugong lumalabas sa binti niya!" They both panicked when they saw me, but they didn't care about themselves.

"M-may mga sugat den kayo," I immediately curse when I am aching. "Ka-kailangan natin nang tulong," bulong ko.

"A-asan phone mo? Naiwan ko sa kotse yung akin," tanong ni Hyacinth.

"N-nasa kotse rin yung akin! Fuck! Claire where's your phone?!" Bumaling sila sa akin kaya itinuro ko ang jacket ko sa may bulsa at agad ding kinuha iyon ni Hyacinth.

Si Bri ay dumudugo ang kanyang braso samantalang si Hyacinth ay may sugat sa mukha at sa braso na panigurado ay bubog ang sanhi. Pilit kong tiningnan ang binti ko na mayroong bubog, napa-iyak ako nang husto at hindi na kaya pang magsalita.

Sweet Mistake ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon