Kabanata 24

180 10 1
                                    


Advertise

Nang makarating ako sa office ni Daddy ay nakita ko ang secretary niyang nasa pwesto ko na, binalingan ko si Daddy.

"Oh! You're here!" tumango lamang ako sakanya tsaka humalik sa kanyang pisngi.

"Good morning Dad," bati ko.

"Good morning hija, so how's your night with your friends?" tanong niya at bumaling muli sa kanyang laptop.

"Well... it's okay."

"Hmm? Oh then, is it okay for you to have a cubicle outside? Don't worry I make sure that your cubicle is beside your friends," sabi niya nang hindi lumilingon.

"O-okay lang po," sabi ko at tumango lamang sakanya.

"Well then," bigla siyang tumayo at sinenyasan ako na sumabay sakanya sa paglabas.

Ipinakilala niya ako sa head ng marketing department at sa mga magiging ka-trabaho ko. I smiled sweetly to hide my nervous, they greeted and welcome me. Pagkaalis ni Dad at ng kanyang secretary ay na-upo na rin ako sa isang cubicle kung saan ay pinaggigitnaan ako ni Bri at Hyacinth.

"Well, we're going to have a meeting at 3 pm for our strategy in our foundation day." The head announced and came back to his office.

"Unang araw mo palang girl, may gagawin ka na agad." Sabi ni Hyacinth sa akin.

"Kailan ba foundation day natin dito?" tanong ko.

"Well, 2 months from now." Bri answered.

"Eh bakit ang aga magpa-meeting ni Mr. Santos?"

"Ganun talaga bakla, mahaba-haba kasing preparations para sa foundation day. Once a year lang kasi nangyayari so the company hopes we can attract all our customers and other businessmen interested in our company."

"Saan ka naman nagpupunta kagabi? Nasa condo ka raw kahapon ni Evander," sabi ni Hyacinth sa akin. I slightly nodded at her and didn't say something about it.

"Narinig niyo na ba yung news?" biglang singit ni Cassie sa usapan namin.

"At ano nanaman ang balitang nasagap mo?" tanong ni Bri at lumingon sakanya.

"Here, look at this." Tinuro niya ang kanyang laptop kaya nagtinginan kami duon pati ang iba ay naki-chismis na rin.

"5 carpenters are injured after the Tuaze restaurant ni Quezon City collapsed."

I sighed heavily when I read the title, binasa ko ang buong detalye tungkol dito. Engineer and Architect Kiro is there, sila ba ang gumawa nung restaurant na 'yon at bakit biglang nagcollapsed? Nabalita nga na lumindol doon pero ito lang yung nagcollapsed samantalang ang mga ibang properties sa Quezon ay nanatiling nakatayo.

"Kaya ka siguro nilipat ni CEO dito sa department para hindi ka mamroblema tungkol dito," pagbibigay alam sa akin ni Bri.

I didn't found my words so I keep myself silent and digesting the news if it was true. Napalingon kami sa opisina ni Daddy nang magbukas iyon, the cold aura of Dad keep us silent. Hindi siya tumingin sa gawi namin at dire-diretso naglakad sa lobby kasama ang kanyang secretary.

"What are you all doing? Go back to work!" Napatigagal kami nung marinig namin ang boses ni Mr. Santos kaya bumalik ako sa cubicle.

Wala pa namang binibigay sa aking trabaho kaya I already search about the news, it was posted two days ago. Ngayon nga lang nakarating sa akin dahil hindi ako pinapayagan ni Daddy alamin iyon, kaya pala sa office hours ay nasa office siya at may kung ano-anong ginagawa. This drive me nuts, I don't know how can I help my Dad for that. The carpenters there are injured!

Sweet Mistake ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon