Kabanata 28

157 10 2
                                    


Revenge

"Paano mo ba nakilala iyan si Evander?" tanong ni Hyacinth.

This is our last day and seminar, sa buong linggo na andito kami ang ginawa lang namin ay gumala tsaka um-attend sa seminar. Marami kaming nababalitaan tungkol sa company pero kapag tinatawagan ko si Dad ang sagot niya lagi sakin ay "Don't worry, I'll take care of it."

"Oo nga! Bili na, huwag na tayo makinig." Bulong ni Bri.

Tiningnan ko ang dalawa na pinagigitnaan ako, napahilot ako sa aking sentido dahil sa hiya. Napaka-demonyo na talaga.

"Ayoko, makinig nga kayo!"

"Sige na kasi! Maraming nacu-curious sa inyong dalawa ni Evan eh," Bri.

"Fine! Basta huwag kayo magpapahalata na nagdadaldalan tayo, nakakahiya na!" Umupo naman silang dalawa na tuwid at tumingin sa harap kunwari ay nakikinig.

Wala na akong nagawa, kung hindi i-kwento ang lahat sakanila. Wala naman kaso sakin kung i-kwento ko lahat ng nangyari sa Cebu at ang pag-trabaho ko sa Cruise dahil mga matatalik ko naman silang kaibigan. Habang nagke-kwento ay hindi nila mapigilan ang pagbibigay ng reaksyon ngunit hinayaan ko nalang. Pinipigilan ko maiyak nang maalala ko ang lahat ng nangyari.

"Nung nagkita kami, I know he's mad and wants a revenge. Hinayaan ko siya sa lahat ng gusto niya dahil iyon din ang gusto ng puso ko. Hindi niya pinaramdam sa akin yung sakit na naranasan niya dati sa akin, he make me feel loved. He's always there for me, kaya natatakot ako na baka iwan niya ako katulad ng ginawa ko sakanya dati."

"What if he's gonna continue her revenge? Baka patibong niya lang yung ginagawa niya sa'yo. Kumagat at humarot ka naman sakanya agad-agad without even thinking na hindi totoo ang turing niya sa'yo!" Bri is now raging mad even if his eyes are on the emcee.

"Hindi naman siguro bakla. Baka naman hindi na iyon big deal sakanya since tinulungan pa nga niya yung Dad mo na mahanap kayo at mabuo ang pamilya niyo 'diba? Maybe he wants to continue your love story because no one is gonna stop you both." Hyacinth held my arm and place her head in my right shoulder.

"Gaga! Hindi naman sa pang-huhusga, pero kung ayun tingin niyo o'edi sige!" Bri smirked. "What about Grace, huh? Girlfriend niya iyon bago pa dumating si-"

"W-what? Girlfriend niya si Grace?"

Tila na-estatwa ako sa kinau-upuan ko, tumingin ako kay Bri ng may pagtataka pero bakas sa tono ng boses niya ang inis at pagsasabi ng totoo.

"Wait, hindi mo alam? Akala namin alam mo! Since nung nag-kwento ka kay Evan nuon ay naisipan na nga namin na nakipag-break siya kay Grace!" Hyacinth slapped her forehead.

Girlfriend? Kaya ba siya nawala sa Cebu nung nanduon kami dahil si Grace ang inaasikaso niya hindi ang business niya? Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib na nagpapabagal sa aking paghinga. Pinigilan ko ang ma-iyak dahil napapaligiran kami ng maraming tao. Did he fool me?

Of course, he did! Huwag ka ng magpaka-tanga Claire! Bakit ka ba kasi bumigay agad! Gustong-gusto ko saktan ang sarili ko ngunit pinigilan ko lamang iyon. Nararamdaman ng dalawa ang panginginig ko kaya naging tahimik sila.

Natapos ang seminar at patuloy ang pag-text sa akin ni Evan ngunit hindi ko iyon masagot-sagot, balisa parin ako sa nalaman ko at hindi ko alam kung kaya ko pa matulog ng kasama siya.

He has a freaking girlfriend! Dinamay niya pa ako sa pangloloko niya! Is this his way of revenge? Kaya pala nagawa niya akong iwan nung gabing iyon para samahan si Grace dahil wala itong kasama.

"Panigurado alam din iyon nila Axel at Chef pa ang tawag nila sa iyo, they really planned it." Tiim-bagang si Bri at tila hindi rin alam kung anong gagawin.

Sweet Mistake ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon