Kabanata 30

179 9 1
                                    


Like

"You still need a lot of rest, Claire. Hindi pa rin magbabago ang desisyon ko, may oras ka pa para pumayag. Magpapakasal ka kay Achilles sa ayaw at sa gusto mo," he coldly said and walked out.

Hindi na bumalik pa ang mga kaibigan ko kaya nanatili akong mag-isa sa silid, minsan ay pumupunta ang nurse para tingnan ako o kaya magbigay ng pagkain.

Nakatatak pa rin sa akin ang sinabi ni Papa, hindi ko alam kung bakit ginagawa niya ito sa akin. He wants me to marry someone because of his company, he choose the company not her daughter. He's really selfish, pinag-awayan na kaya nila Mama ito?

I heard the door opened and I saw Tita Anya, she curve her lips into smile upon looking at me. She walk towards me and caress my hair.

"How are you hija?" she asked.

"Fine, w-where's Mom?"

She sighed and held my hand tight, I saw how her eyes sparkles and her tears rolling down on her cheeks.

"She died when you met an accident, 'nak. Nagtalo sila ng tatay mo at inatake siya sa puso." she said.

"A-ano pong nangyari Tita? Bakit gano'n? Ano pong pinag-awayan?" I asked curiously.

"Narinig ko lang ito hija, pero gusto kang ibigay ng tatay mo diyan sa boyfriend mo hija-"

"Hindi ko po siya boyfriend," mariin kong sinabi. Tumingin lang siya sa akin at tumango.

"Kung hindi pa ay baka ang sunod agad niyan ay kasal na hija. Gusto kang ipakasal ng tatay mo kay Evan na tinututulan ng nanay mo. Lumulubog na sa utang ang tatay mo at wala na siyang iba pang solusyon para dito," Tita Anya said.

"W-wala na po bang ibang paraan? Baka naman po mayroon? We can sell the other properties of Dad! We can still loan-"

"Hija kahit ibenta naman natin ang properties ng tatay mo hindi sapat 'yon! Ayaw mo ba magpakasal kay Evan hija? Nung umalis naman kayo rito sa Maynila ay masaya kayo at halata sa inyo na mahal niyo ang isa't-isa."

"Tita, pati ba naman ikaw pipilitin ako? Ayokong magpakasal kay Evan, Tita!"

"Anak iniisip ko rin ang para sa ikabubuti mo, papayag ka ba na makulong ang papa mo dahil sa madami niyang utang na ipapamana rin sa'yo?" she asked.

Lahat na ng frustration at pressure ay sa akin, dahil sa ginawa ni Dad buong pamilya kami ay damay.

"Sana pala hija hindi nalang tayo sumama sa ama mo. Bibigyan lang pala niya tayo ng sakit ng ulo pati siya pa ang dahilan ng pagkamatay ng kapatid ko!"

Sinubukan kong pakalmahin siya dahil galit na galit siya ngayon, naisip ko na rin ang sinabi ni Tita sa akin. Kung hindi ko sana siya nakilala e'di sana maayos ang buhay namin ngayon, hindi man kami ganito kayaman tulad ng dati at least wala kaming problema maliban sa tubig, kuryente at ang kakainin kinabukasan.

"Hindi ko naman po siya pinagsisihan na makilala... mahal ko po ang ama ko pero hindi po ako papayag sa utos niya. Ayoko pong makasal para lang sa gano'n Tita," I cried.

"Mahal mo ba si Evan, hija?" she asked.

Matagal pa ako nananahimik bago tumango. I won't deny my feelings, I love him but I won't marry him. Kung ano mang namamagitan sa kanila ni Grace ngayon hindi ko na hahadlangan pa.

"Bakit ba ayaw mo makasal siya sa'yo? Nasa tamang edad naman na kayo para magpakasal hija. Pumayag na rin naman si Evan sa kondisyon ng Papa mo, ikaw at ang nanay mo lang ang humindi."

Sweet Mistake ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon