Kabanata 9

242 38 0
                                    



Back

"Malapit lang po ba tayo sa De Marquez? This place is so familiar to me, pero iba nga lang po kasi may rest house po dito malapit sa dagat." He turns his gaze on me and smile.

"Someone said that this is the most important place to you and your Mom, binili ko itong isla at nagpatayo ng rest house."

"Sino? hindi naman po gaanong ka-importante para sa amin toh," sabi ko nang maalala ko lahat ng naging karanasan namin dito ni Mama.

"Sabi niya siya daw mismo magpapakilala sayo," he smiles at me.

Wait- what happen to the De Marquez?

"I'm sorry if you are involved here in our situation, nalubog kami ng utang sa mga Achilles at balak nilang kuhain ang Mansion at ang Farm." sabi niya sa akin na may umaambang luha na lalabas sa kaniyang mata.

"Gustuhin ko man na pigilan ang aking asawa ngunit hindi ko nagawa, nagtalo lang kami. Hinayaan ko siya sa gusto niyang mangyari dahil wala na kaming choice kung hindi ipakasal ang aming nag-iisang anak sa panganay ng Achilles." kuwento niya at nakita ko ang paghihirap sa kaniya.

Nalungkot ako ng naalala ko iyon, hindi ba sila nagpakasal? Why did they sell it?

"D- De Marquez po ba ang tinutukoy niyo tungkol sa pagbili nito?" he nodded.

"Nabaon sila sa utang, Claire. Their company failed to rise because of their debts, the people that has shares with that company leave. I remember how Mr. De Marquez loathe her daughter so much and tried to kill her." He said.

What the heck? Napatingin ako sakaniya ng may pagtataka, what happen to them when I left?

"D-do you know what happen to them?" tanong ko na may pag-asang baka may alam siya tungkol sa nangyari sa De Marquez at sa Achilles.

"Hindi, bakit? I am not interested to their story kaya hindi na ako nagabala pang pakinggan ang mga tungkol sakanila," he said and drink his champagne.

Bakit ba kasi hindi ako nanunuod ng mga balita kaya wala akong alam sakanila? Gusto ko sila hanapin para alamin kung anong nangyari noon, pero may karapatan ba akong gawin 'yon kung isa ako sa dahilan bakit sila nagkasira-sira? Maybe the Achilles are mad at me, kaya pinasunod nila sakin si Alessandro sa trabaho ko para magbayad ng kasalanan.

"Claire? Are you okay?" niyugyog ako ni Papa.

"P-po?! O-okay lang may naalala lang," sabi ko ng makabalik sa wisyo.

"Sure? Anong naalala mo?" he said and I became silent for a minute.

"You can open up to me, gusto kong bumawi lalo na sayo." he said while forcing himself a smile.

Napatitig ako sakaniya, bahid ang lungkot sakaniyang mga mata kahit na andito ako sa harap niya. I heavily breathe before I start to ask again.

"Bakit hindi niyo kami hinanap? Bakit ngayon ka lang?" tanong ko sakaniya.

"Hinanap ko kayo after ko magpakasal sa taong hindi ko mahal, Claire."

Tumingin siya sa dagat habang hawak ang kamay ko.

"Pero nung binalikan ko kayo sa tinitirhan namin ni Imelda wala na kayo," ika niya at mas hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

"Hindi ako tumigil sa paghahanap, I hire a private investigator to search for you. We found out na yung lola at lolo mo ang nagcocontrol tungkol sainyo na hindi namin mahanap. Tumigil ako sa paghahanap dahil nawalan na ako ng pag-asa, naiisip ko na hindi niyo ko matatanggap dahil may iba ako. Our marriage is fake, dahil totoong kasal kami ni Imelda. That was years ago and then may tumulong sa akin na mahanap kayo, kaya gumawa ako ng paraan."

Sweet Mistake ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon