Kapitan Heneral: Babor!…..Estribor!
Doña Victorina: Kapitan, bakit sa dakong iyon pumupunta ang mga hangal na timonero?
Kapitan Heneral: Mababaw lang doon Ginang. (sabay kindat)
Donya Victorina: Bakit mabagal ang takbo? Bakit hindi bilisan?
Kapitan Heneral: Pagkat baka tayo maglagos sa mga bukiring iyon, ginang.
(Ang iba namang mga kasakay ay naging abala pakikipag-usap)
Padre Salvi: Nalalaman mo ba kung ano ang kakayahan ng mga taong dalubhasa sa agham, Ben Zayb? Hayan sa lalawigan ng Puente del Capricho na ginawa ng isa naming kapatid. Hindi natapos sapagkat pinintasan ng mga sinasabi mong mga taong dalubhasa sa agham.
Padre Camorra: Iyan, putris! Iyan nga talaga ang sasabihin ko, padre salvi!.
Padre Salvi: Ngunit hindi nangangahulugan na wala kang gaanong katuwiran na gaya ni Padre Camorra. Ang sama ay nasa lawa.
Doña Victorina: Mangyari’y wala ni isa mang maayos na lawa sa kapuluang ito.
Simoun: Ang lunas ay napakadali. Nakakapagtakang walang sinumang nakaisip nito. Humukay ng isang tuwid na kanal mula sa lawa hanggang Maynila. Sa madaling sabi, magbukas ng bagong ilog at sarhan ang dating ilog Pasig.
Ben Zayb: Isang panukalang Yankee!
Don Custodio: Ngunit napakalaking salapi ang magugugol. At bukod sa rito maraming nayon ang masisira.
Simoun: Pwes sumira! Pakilusin ang buong bayan, matatanda, kabataan at mga bata. Pagtrabahuin sila ng apat, o limang buwan sa halip na labinlimang araw, papagdalahin sila ng sariling pagkain at kagamitan.
Padre Camorra: Pag-alagain ng itik ang lahat ng mga naninirahan sa baybay ng lawa.
Ben Zayb: Maaari ko bang mailathala ang inyong panukala?
Donya: Ngunit dadami ang balot! Nakakadiri! Mainam pang tabunan na lamang ang lawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/216163725-288-k607606.jpg)
BINABASA MO ANG
El Filibusterismo (Short Script)
Historical FictionMas pinaikling iskrip ng El Filibusterismo. Legit.