Ako?!"
Nanatiling nakalalaki ang mga mata ko sa gulat dahil napatingin sa akin si Sophie nang tanungin ni Rino si Sophie kung sino yung kilala niyang kumakanta at pwedeng pumalit bilang vocalist o singer sa first dance ng kaibigan nila. Muling napatingin sa akin sina Cleo at Rino. Pagtingin nila sa akin, muli silang napatingin kay Sophie.
Sabi ni Rino, "Tama ba na si Gian nga ang tinutukoy mo?" Napatango na lang si Sophie sa tanong ni Rino. Pagtango ni Sophie, mas lalo akong napakunot ng noo at kinabahan.
Dahan-dahan napalingon at napatingin sa akin sina Cleo at Rino. Sabi nila sa akin, "Kumakanta ka?" Wala akong nagawa kundi sabihin, "A-ah, O-oo. Kumakanta nga ako."
Maya-maya pa ay may lumapit na lalaki sa amin na may dalang drumsticks. Sabi niya kay Rino, "Brad, paano na yan? Wala pa tayong singer." Napakunot na ng noo sa amin si Carlos dahil sa pagtataka.
Hindi naman namin masabi sa kanya dahil baka mag-alala siya lalo, naku, at baka pag nag-alala si Carlos ay mag-overthink na naman 'yun." Sabi ni Rino, "Wag kang mag-alala, may nahanap na kami." Napakunot ng noo ang kausap niya nang sabihin 'yun ni Rino.
Pagkatapos nila mag-usap, napatingin si Rino sa akin. Sabi ni Rino, "Um, G-gian, pwede bang ikaw na muna ang maging singer namin ngayon?" Nang tanungin ako nun ni Rino, mas kinabahan naman ako—kinabahan ako dahil sa biglaang pagkuha sa akin bilang singer.
Kaya habang walang kibo, napapatingin ako sa mga taong nakatingin sa akin sa paligid ko. Mula kay Sophie, Cleo, Rino, at sa lalaking nakausap ni Rino, nakita at napansin ko mula sa kanilang mga itsura na umaasa silang papayag akong kumanta. Pagtingin ko uli sa direksyon ni Sophie, nakita ko na nagsulat siya sa whiteboard niya.
Pagsulat niya, binasa ko 'yun: "Sundin mo lang kung ano ang gusto mo, dahil kung ano man ang naging desisyon mo, susuportahan at maiintindihan naman namin."
Pagkabasa ko nun, napatingin ako kay Rino at sa lalaking kausap niya na may dalang drumstick. Napatingin ako sa direksyon ng stage at pati na sa groom and bride, na kaibigan ni Rino, na para bang nagtataka na kung bakit hindi pa rin umaakyat ng stage ang mga kabanda niya. Pagtingin ko sa kanila, napaisip ako.
Sabi ko sa isip ko, "Tutal, matagal ko namang hilig na kumanta at matagal ko rin namang gusto na kumanta kahit paano sa harap ng ibang tao. At since nakakanta naman na ako sa birthday ni mama sa harap ng mga tao, tingin ko ay... kaya ko naman na kumanta sa harap nila."
Napatingin ako sa mga bisita o sa mga taong nakaupo sa mga pwesto nila na napakunot na rin ng noo dahil sa pagtataka kung ano nga ba ang nangyayari. Pagtingin ko sa kanila, napatingin ako kay Sophie at pabalik naman kina Rino at Cleo. Pagtingin ko sa kanila, nakatingin pa rin sila na para bang nag-aantay ng sagot ko.
Huminga ako nang malalim at ang sabi ko, "Sige, payag ako maging singer niyo." Sabi ni Rino, "S-sure ka?" Tumango ako at ang sabi ko, "Oo, kakanta ako."
Nang sinabi ko 'yun, dahan-dahan nawala ang pag-aalala sa itsura nila at dahan-dahan na rin silang napangiti. Pagkatapos nga nun, pagtingin ko kay Sophie, nakita ko na napangiti rin siya sa sinabi ko. Dahan-dahan naman akong napangiti kay Sophie nang makita ko siyang nakangiti.
Pagkatapos nga nun, ang sabi ng lalaking may dalang drumsticks, "Okay, tara na! Let's do this!" Pagkatapos nun, nauna nang umalis ang lalaki. Pag-alis ng lalaki, ang sabi naman ni Rino sa akin habang nakangiti, "Tara?" Napatango ako at napangiti sa kanya.
Pagkatapos nga nun, napatayo na ako sa kinauupuan ko at sumunod na sa kanila. Sabi ni Cleo sa amin, "Good luck, galingan niyo." Nag-thumbs-up naman sa amin si Sophie na para bang nagsasabi rin siya ng good luck sa amin.

YOU ARE READING
Beside You [COMPLETED]
RomanceThis story is about a smart and talented student who is a passionate singer spending his last day of school playing his ukulele on a swing. He catches the eye of a shy girl who is captivated by his music but runs away before they can connect. Later...