Chapter 19

1.4K 52 10
                                    

Chapter 19

See You


"That's enough. Kanina ka pa nag-aaral," si Iain na kanina pa ako sinasaway. Inangat ko ang tingin ko sa kanya. He's busy on his phone. I think he's playing or something.

"Shut up."

I heard him chuckle while I'm still busy figuring out how to solve the damn problem. This is advanced and way out of our scope pero inaaral ko pa rin. Mahirap na. Baka biglang magbigay ng ganito sa exams. May topak pa naman ang mga professor namin. Sometimes I think it's because they're too smart. Tipong pagpapahirap na lang sa mga estudyante ang source of fun nila sa buhay.

"Hey!" sigaw ko nang biglang hilahin ni Iain ang libro ko.

"You're done studying."

"Yes, I'm done with the coverage. Pero kailangan ko pang-"

Hindi na natapos ang sasabihin ko nang maglagay siya ng pagkain sa harap ko.

"Kumain ka. Your system's all coffee."

Nasa coffee shop kami at sabay na nag-aaral. I invited Jean and Leera but they both said no. Kaya naman si Iain ulit ang sumalo sa'kin. I can study alone pero nagpumilit siya na samahan ako para sabay kaming mag-aral.

"Mamaya na. After I solve that problem."

"You can't solve it if you don't eat," he said and glared at me.

Ugh.

"Fine. Pero hindi ko kakainin dito."

"Why?"

"It's not allowed. And I think it's rude kasi 'di ko naman binili ang pagkain dito, e..."

Tumango siya at nagsimulang magligpit ng mga gamit. I noticed how organized he is. Akala ko maayos na ako kapag nag-aaral... Guess I was wrong. Iain's note-taking skills is definitely far from mine. Nakahiwalay ang notes niya galing sa book at sa lecture. He also maintains three notebooks just for his solutions- categorized by difficulty. Iyong mga mahihirap na problems ang pinamakapal niyang notebook.

Pero sabi nga nila, hindi mo makukuha ang lahat. I'm proud that my penmanship is better than his. Hindi naman pangit ang sulat niya... Mas maganda lang 'yong akin.

"Where'd you want to eat?" tanong niya at kinuha ang laptop bag ko at siya na ang nagdala.

"Saan mo gusto?" balik tanong ko.

Nakakaalarma na na sa akin lagi ang desisyon. Iain always asks me what and where to eat when we're together. Minsan iniisip ko na amo niya ako at alalay ko siya. I mean, he's always doing things for me!

"Honestly? Sa bahay."

Nanlaki ang mga mata ko. Of all places... Hindi naman sa ayaw ko pero nakakahiya naman yata na pumunta sa kanila para kumain lang?

Bahala na nga.

"Okay. Tara," I ended up saying.

"What?"

"Tara sa inyo. Okay lang ba na kasama mo ako?"

I sensed his sudden discomfort.

"Nakakagulat ka, alam mo 'yon?"

I just shrugged.

Lumabas na kami sa coffee shop at dumiretso na sa sasakyan niya.

"Saan pala galing 'to?" I asked pertaining to the food. Nilingon niya naman ang food bag na hawak hawak ko.

"I cooked that."

"Really?" gulat kong tanong. Ang dami niya talagang oras.

Tumango siya.

Crawl Out of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon