Chapter 44
Favor
Brix was able to grab the wheel before things got worse. Kung hindi niya iyon nagawa ay maaaring sa bangin ang maging direksiyon ng sasakyan. The railings won't hold and I'm certain we'd crash onto the cliff.
Naging malakas ang impact ng pagkakabangga namin sa isang konkretong poste. Nabasag ang salamin at umusok ang harap. Napasigaw ako sa sakit nang maramdamang naipit ang paa ko. Pati ang braso ko ay naipit din sa manibela.
"M-Ma'am..." nanghihinang tawag ni Brix.
Even with my blurry vision, I managed to glance at him. Kitang kita ko ang dugong dumadaloy sa ulo niya. Ramdam ko rin ang dugong dumadaloy mula sa noo ko.
I yelped in pain and cursed silently. I can't move!
Mabilis ang tibok ng puso ko. Sinubukan kong gumalaw para abutin ang radio ni Brix na nahulog. I can hear chatters from it. I cursed when I can't reach it. Continuous blood is flowing from my left arm. Nahihilo na rin ako.
"Humihinga pa naman siguro 'yan 'di ba?"
Natigilan ako nang marinig ang boses na iyon. I stopped and remained stiff. Niyuko ko ang ulo ko. Fear suddenly crept in my system. Sa tanang buhay ko ay hindi ako kailanman nakaramdam ng ganitong uri ng takot.
Papatayin ba kami?
"Tangina ka kasi! Sabing dalawang bunggo lang, e!"
"Gago ka pala! Ang sabi ni boss dapat masugatan iyong anak ni Tio!"
Shit. This is about my father.
"Dumudugo na nga ang ulo! Putangina kapag 'yan namatay, patay din tayo kay boss! Warning lang naman 'to kay Tio, e."
"Tara na! Nakasunod na 'yong mga bantay niyan! Gago ang yaman pala ng anak ni Tio pero hindi magawang bayaran ang mga utang. Nagawa pang magtago sa kung saang sulok ng mundo!"
Humina ang mga boses. Senyales na lumayo na ang mga ito. That's at least two guys. Huminga ako ng malalim at agarang nagsisi nang maramdaman ang sakit sa dibdib.
"Brix..." tawag ko. Bumibigat na ang mga mata ko. I reached for his wrist. Kahit nanghihina ay sinubukan kong damhin ang pulso niya. Relief washed over me when I felt his pulse. Pero napalitan lang din ng panic nang maamoy ang leak ng gas.
"Brix, we need to get out. Brix..."
He's unconscious. Damn. What should I do?
"Brix, come on. We... the car... it might catch fire..." putol-putol kong sabi dahil nahihirapan nang huminga.
Sinubukan kong buksan ang pintuan sa tabi ko. My arm is pinned and it's hard to do it.
I tried to recline my seat. Agad kong na-realize na maling desisyon iyon dahil mas lalo akong napahiyaw sa sakit nang maalis ang braso ko mula sa pagkakaipit sa manibela.
The intense pain attacked me. Napapikit ako sa sakit at wala nang nagawa kundi isandal na lang ang ulo sa headrest. I drifted into unconsciousness just as I heard vehicles approaching.
I woke up. Sa ingay ng paligid ay nagising ako. Matagal bago ko na-proseso na nasa emergency room na ako. Medical staffs are flocking to me. Nahihilo man at nag dadalawa ang paningin ay kitang-kita ko kung paano ineexamine ang mga sugat na natamo ko mula sa pagkakabangga. I can self-diagnose that my right foot and left arm are both broken because I can't feel them. Pumikit na lang ako at hinayaan silang gamutin ako.
Ang susunod kong gising ay sa isang private room na. My head is pounding real hard. As I adjusted my vision to the well-lit room, the first person I saw was Pablo. Nag-uusap sila ni Sophia sa mababang boses.
![](https://img.wattpad.com/cover/202293392-288-k763115.jpg)
BINABASA MO ANG
Crawl Out of Love (COMPLETED)
Storie d'amoreSonia Coraline Tio is all business. Whatever she sets her mind into, she does with finesse. For her, there's no room for failure. She was born an achiever. Contrary to what her father wanted, she chose a different path and found a home in engineerin...