06 | The Titan's Nemesis

972 40 19
                                    


Pasado alas-dos ng hapon kinabukasan ay dumating si Shin sa hideout nila matapos manggaling sa bahay ng ama. He slept for 20 hours— and this time, he had recovered. Nakapamulsa siyang naglakad papasok sa abandonadong ospital— passing through his people who stopped and greeted him.

Sa elevator ay naroon si Jon at hinihintay siya. He went in and Jon followed.

"Got anything?" he asked when the elevator's steel door closed.

"Wala pa ring balita mula sa tatlong grupong pinadala natin sa Santa Lucia, Chief. Hanggang sa mga oras na ito ay patuloy sila sa pagmamanman sa bayan at sa pagkalap ng impormasyon tungkol sa nangyari sa grupo ni Finn. Isa ang grupo ni Rusco sa pumunta roon— hinahanap nila ang target na dapat sana ay kikitain nina Finn kahapon, maaaring may alam din siya sa nangyari."

Tumango siya. "And Loyd? How is he?"

"Nasa silid niya at nagpapagaling ng sugat."

"Who's nursing him?"

"Isa sa mga kasama niya sa grupo, Chief."

Bumukas ang steel door pagkarating nila sa pangalawang palapag. Nauna siyang lumabas at naka-pamulsang tinunton ang daan patungo sa kaniyang silid.

"Anong balita sa target na napatay ng grupo ni Loyd? Pinaghahahanap na ba siya ng mga otoridad?"

Si Jon na nasa likuran niya'y mabilis na sumunod.

"Opo, Chief. Kasalukuyan na siyang nasa listahan ng mga missing persons sa Yllanas."

"I need you to gather your men and find the body," utos niya.

Nahinto siya sa harap ng pinto ng silid niya at hinarap si Jon.

"Bury the body somewhere remote. Sa lugar na hindi mahahanap at malayo rito."

Tumango si Jon.

"Off you go," aniya bago pumihit at binuksan ang pinto ng kaniyang silid.

Pagpasok niya at kaagad siyang dumiretso sa tokador na nasa kabilang sulok ng silid kung saan may naka-imbak na mga imported na alak. He took out a bottle of Glenfiddich, opened it for the first time, and drank it like he was just drinking a soda. Naramdaman niya ang pag-guhit ng init sa kaniyang lalamunan pababa sa kaniyang sikmura. Naka-ilang lagok muna siya bago humakbang patungo sa sofa, naupo roon, ipinatong ang mga binti sa ibabaw ng coffee table, pinag-krus ang mga iyon at isinandal ang sarili.

Mula sa kinauupuan ay malinaw niyang natatanaw ang malawak na damuhan sa labas— kung paano iyon palirin ng pang-hapong hangin at kung gaano ka-init sa labas. The rays of the afternoon sun touched half of his body, at kung hindi marahil siya nakapag-palagay ng airconditioning system sa loob ay mararamdaman niya ang matinding init ng panahon.

He needed to know what happened to Finn and his group. He needed to find the culprit. Kung ang may kagagawan sa nangyari kay Finn at sa buong grupo nito ay kagagawan ng grupo ng Nexus tulad ng hinala ni Jon ay sisiguraduhin niyang hindi matatapos ang lahat nang hindi siya nakakapag-higanti sa mga ito. He will avenge Finn—unless the Nexus gang had a proper explanation as to why they did what they did.

Nasa ganoon siyang kaisipan nang marinig ang pagkatok sa pinto ng kaniyang silid.

"Come in," he said.

"Chief, phone call."

He looked over his shoulder and saw Jon standing at the back of the door holding his cell. He stared at him questionably— but Jon didn't provide further information as to who the caller was.

SHATTERPROOFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon