Napa-igtad si Shin nang biglang lamunin ng dilim ang buong paligid matapos baliktarin ni Gabriel ang hourglass na iyon. Sobrang dilim ng paligid na halos wala na siyang maaninag na kahit na ano. Wala rin siyang ingay na marinig— maliban sa paghinga niya.
Napa-atras siya at akmang kakapitan ang seradura ng pintong nasa kaniyang likuran, subalit wala siyang makapa. Wala na ang pinto roon.
Pakiramdam niya'y lumulutang siya sa dilim— hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari— subalit sigurado siyang wala na siya sa silid na iyon na pinagdalhan sa kaniya ng matanda. Unless he was only dreaming...
That everything— including Gabriel's explanation about the hourglass— was nothing but a stupid dream.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata at sinubukang magising. He should be able to do that easily unless... it wasn't really a dream.
Nang imulat niya ang mga mata'y napa-atras siya sa nakita. Wala na siya sa lugar na sinasakop ng dilim— sa halip ay naroon siya sa isang lugar na pamilyar sa kaniya.
The Oriental Antiques. Ang shop ng kaniyang ama.
Mangha niyang inikot ng tingin ang paligid. Ilang beses siyang kumurap upang siguraduhing hindi siya namamalik-mata o nananaginip. Subalit sa ilang beses na pagkurap niyang iyon ay hindi nawala ang pamilyar na tanawin sa kaniyang harapan.
Naitaas niya ang mga kamay at nai-sapo sa ulo. Hindi siya makapaniwala sa nakikita. Maayos iyon at malinis— katulad nang kung paano iyong imintina ng kaniyang ama noon. Kumikinang ang mga antigong bagay at walang bahid ng alikabok, kahit ang salaming estante na pinaglalagyan ng mga maliliit na antigong gamit ay malinis.
And that made him smile bitterly. His father used to clean them all night and day, he'd even spend most of his time cleaning and dusting his precious antiques than spending it with his ungrateful son. Iyon ang dahilan kung bakit nag-umpisang bumigat ang lood niya sa kaniyang ama. But it's all water under the bridge now. He and his father had reconciled... before he was killed.
Natigilan siya nang may maalala.
Nasunog ang shop kasama ang bangkay ng kaniyang ama. Bakit naroon siya sa lugar na iyon na tila walang nangyaring sunog?
Did I... really come back to the past?
"Bumalik tayo sa araw kung kailan nangyari ang insidenteng kumitil sa buhay ng iyong ama."
Napalingon siya nang marinig ang tinig ni Gabriel sa kaniyang likuran. Nakita niyang ina-abala nito ang sarili sa pag-sipat ng mga antigong orasan na nakapatong sa estanteng naroon. Marahan nitong inilapag ang hawak saka siya hinarap.
"Ito ang patunay na sinasabi ko."
Lumampas ang tingin sa kaniya at hinayon ng mga mata ang harapan ng shop.
Sinundan niya iyon ng tingin at doon ay nakita niya ang ama na naka-upo sa likod ng mesa nito sa sulok at may kausap na customer na maingat na sinisipat ang maliit na antigong dekorasyon.
"Limitado ang oras sa pagbabalik natin sa nakaraan, pero sapat upang mabigyang linaw ka at matulungan kang magdesisyon kung alin at sino ang nais mong balikan upang ayusin at tulungan."
Hindi makapaniwalang napatitig siya sa nakangiting anyo ng ama habang kausap ang customer. Masaya nitong sinasabi sa kausap kung saan galing ang item na hawak nito at kung sino ang dating may-ari. His father's smile brought tears to his eyes.
"He looks so alive..." he whispered as he gazed at his father's smiling face.
Humakbang siya sa pagnanais na lumapit sa ama subalit natigil nang muling magsalita si Gabriel.
BINABASA MO ANG
SHATTERPROOF
Narrativa generaleWATTYS 2021 WINNER - WILD CARD CATEGORY Shin Takano used to be a notorious gang leader; living his life surrounded by money, alcohol, cigars, drugs, and women. He used to show no mercy to his targets and enjoyed the fun of beating them up and scammi...