05 | Start Of War

1K 42 28
                                    


 Dahan-dahang tinanggal ni Shin ang stainless chain na naka-paikot sa kamao nito matapos iyong gamitin upang turuan ng leksyon si Loyd, na hanggang sa mga oras na iyon ay naroon pa rin sa kabilang silid— walang malay at bugbog-sarado. Sa silid na tinatawag niyang opisina— opisina na kilala rin ng lahat bilang punishment room. Kapag ginagamit iyon ay dalawang tao lang ang maaaring naroon sa loob— siya at ang taong parurusahan.

Naiintindihan niya kung bakit nangyari ang nangyari— subalit alam niyang kailangan din niyang ipakita sa mga tao niya na seryoso siya sa kaniyang patakaran. Na walang sinuman sa grupo ang may karapatan kumitil ng buhay— o umagrabyado ng babae. Those were his only rules— whoever tried to defy it, accidentally or otherwise, would be punished.

He threw the bloody chain on the floor and sat on the couch.

Isinandal niya ang sarili sa backrest at mariing ipinikit ang mga mata.

"Anong gagawin natin kapag nadiin na naman tayo sa nangyaring ito, Chief?" mahinang tanong ni Jon na nasa likuran ng sofa. Naghintay ito sa labas ng opisina niya hanggang sa matapos siya at sumunod doon sa kaniyang silid. "Bukas makalawa ay lulutang ang bangkay sa ilog at hindi imposibleng madiin na naman tayo."

Nagmulat siya at wala sa loob na inabot ang box ng sigarilyo na nasa ibabaw ng crystal coffee table. Kumuha siya ng isa, sinindihan iyon, humithit, at paitaas na ibinuga ang usok bago sumagot.

"Easy," he answered. "Maghanap ka ng bagay na magdidiin sa ibang grupo na umaaligid sa Yllanas. We will deny the truth— whatever happens. No one should ever know that we had our first kill. Coordinate this with our allied police official without telling him the whole story. Sabihin mong pigilan niya ang imbestigasyon— the murderer needs to be someone who's used to doing it. Bring up as much false evidence as you can, siguraduhin mong ang ibang grupo ang madidiin." Muli siyang humithit. "We've never done this, kaya walang mag-iisip na tayo ang may gawa nito. Clean Loyd's mess for me, Jon."

"Naiintidihan ko, Chief."

He flicked the back of his hand to dismiss Jon. Nang makalabas ito ng silid ay doon lang niya pinakawalan ang galit. Nanggigigil na dinurog niya ang sigarilyo sa ibabaw ng coffee table at isinuklay ang mga daliri sa mahabang buhok.

He remembered how Loyd begged for mercy and forgiveness. Umiiyak ito habang nakagapos at binubugbog niya gamit ang stainless chain na naka-balot sa kaniyang kamao. Loyd was close to dying— but that just served him right.

Every member of his group knew what he was going to do to Loyd when he entered his office. Gusto niyang tumatak sa isip ng mga ito na wala siyang pipiliing tao na parurusahan. Not even the group leader Loyd.

But he was shaking. His hands were quivering due to the rage he had released to Loyd. The last time he felt that uncontrollable anger was when Barbosa, the previous leader of the Titans, was killed in a riot. And it has been a long time.

Kailangan niya ng pampakalma.

Tumayo siya at iniangat ang upuan ng sofa. Sa ilalim ng makapal na seat cushion ay may tatlong malalaking plastic bags ng ipinagbabawal na gamot, na ang kada isa ay may kalahating kilo ang laman. He took one, tore a little, and poured five inches of thin line onto the glass table. Ilang sandali pa'y dumukwang siya at sininghot ang manipis na linyang iyon. He snorted and gulped and snorted again. Heroin was his salvation— without it, he'd be anxious and worried about everything, every day- leading a group of ruthless thugs.

Sumandal siya sa sofa, ipinikit ang mga mata at ipinatong ang ulo sa headrest.

Seconds later, he started to feel as high as the rising sun.

SHATTERPROOFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon