26 | The Missing Angel

562 29 14
                                    


Limang minuto.

Kung nahuli pa ng dating si Stern sa ospital ng limang minuto ay baka hindi na ito umabot ng buhay. Iyon ang sinabi ng doktor kay Shin matapos nitong i-stabilize ang lagay ni Stern. Iyon ang unang beses na nag-seizure ang anak sa gabi, kaya hindi kaagad naagapan ni Shin. Na kung hindi pa siya nagising dahil sa masamang panaginip na iyon ay baka nawalan na siya ng isang anak sa pag-gising niya sa umaga.

Pero kahit stable na ang kondisyon ni Stern sa mga oras na iyon ay kailangan pa rin daw nitong manatili sa ospital ng ilang araw para ma-obserbahan ang lagay ng puso nito.

Ang sabi ng doktor ay may abnormalities itong napansin sa heart rate ni Stern, at upang mapag-aralang mabuti ay kailangan muling manatili ni Stern ng ilang araw doon.

Which was totally fine. Kung para iyon sa ikabubuti ni Stern ay mananatili sila sa ospital hanggang sa masiguro sa kaniya ng doktor na magiging maayos ito.

The nightmare that woke him up that morning was a blessing in disguise, after all. Nagawa niyang magising at makita ang sitwasyon ng anak.

Sinapo niya ang ulo at muling sinulyapan ang anak na muling naratay sa hospital bed bago tumalikod at nagtungo sa nurses station.

Nanghingi siya ng pabor na makigamit ng cellphone ng mga ito dahil ang kaniya ay naiwan niya sa apartment sa sobrang pagmamadali. Kahit ang wallet niya ay hindi niya dala.

May isang nurse na nagpaunlak at kaagad niyang tinawagan ang numero ng anak ni Ana. Pakikisuyuan niya itong muli na magtungo sa apartment at samahan si Steyah.

Sinulyapan niya ang oras sa wallclock na nasa pader ng nurses station.

Ten minutes before seven— ganoong oras madalas na nagigising si Steyah para manghingi ng almusal. Ayaw niyang magising itong mag-isa dahil baka lumabas at hanapin sila ni Stern. He didn't want her to leave the apartment to look for them and get herself in trouble.

Matagal bago may sumagot sa kabilang linya. Naka-usap niya si Annie, ang dalagang anak ni Ana na siyang may-ari ng cellphone, subalit sinabi nitong maagang umalis ang ina upang mamalengke. Pinakiusapan niya itong sabihin sa ina pagdating nito na puntahan muna si Steyah.

Nang matapos ang tawag ay bigla siyang nabahala para sa naiwang anak. May katabi silang dalawang apartments subalit hindi niya gaanong nakakausap ang mga kapitbahay, o nagawang kuhanin ang mga contact numbers, kaya wala siyang ibang maaaring pakisuyuan kung hindi si Ana lang.

Lumipas pa ang kalahating oras at hindi pa rin siya mapalagay.

Steyah should be awake at this time and she must be wondering where they went.

Hindi tulad ni Stern noon na hindi lalabas ng bahay nang walang kasama, si Steyah ay hindi. She would never stay inside the house knowing that no one was there with her. She's a very curious child, she wouldn't sit down and wait for him to come back— she'd definitely go looking.

Shit.

Sinapo niya ang ulo at mabilis na naglakad pabalik sa nurses station.

May pinaki-usapan siyang magbantay muna kay Stern dahil kailangan niyang umuwi para sunduin ang isa pang anak. At dahil madalas silang naroon at kilala na sila doon ay hindi nag-atubili ang isang nurse na bantayan si Stern habang wala siya.

Halos takbuhin niya ang hallway ng ospital hanggang sa makalabas.

Makalipas ang mahigit dalawampung minuto ay natanaw na niya ang pulang steel gate ng apartment nila. Ipinarada niya ang van sa harap niyon saka mabilis na bumaba. Nang akma na siyang papasok sa gate ay saka naman may humintong tricycle sa tabi ng van at nakita niya ang hangos na pagbaba ni Ana.

SHATTERPROOFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon