36 | X

1K 39 12
                                    



DO NOT SPOIL YOURSELF.

IF YOU HAVEN'T YET READ THE FIRST 35 CHAPTERS, PLEASE DON'T READ THROUGH THIS PART.

ENJOY THE EXPERIENCE FROM THE START- DO NOT SKIP JUST TO KNOW HOW IT ENDS.


*

*

*

*



The Decision That Would Change It All




"Shin, gumising ka, pare."

Umungol siya at ipinilig ang ulo. Nararamdaman niyang may yumuyugyog sa balikat niya subalit hindi niya nais na magising. He was dreaming about his parents— he was dreaming about his father and mother together in a beautiful place. The sky was blessedly cloudless from where they were. His mother was standing at the top of the hill surrounded by different kinds of flowers, while his father was smiling pleasantly as he walked towards her.

You both rest in peace now, Tousan and Ka-san... he whispered in the air. Please be happy in heaven now...

"Shin... Shin... Shin!"

Doon na siya napabalikwas ng upo nang maramdaman ang malakas na pagyugyog sa kaniyang balikat. Sa kaniyang pagmulat ay nakasisilaw na liwanag ang kaagad na bumungad sa kaniya— dahilan upang maagap niyang tinakpan ang mga mata gamit ang isang braso.

Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang liwanag na iyon, subalit sigurado siyang hindi iyon mula sa sikat ng araw. It was coming from something else...

"What... is happening?"

Mariin niyang ipinikit ang mga mata at pinakiramdaman ang paligid. May naririnig siyang maingay na tunog ng mga makina ng motor at kotse, at may naaamoy siyang matapang na usok ng mga sigarilyo.

Inalis niya ang brasong nakatakip sa kaniyang mukha saka pilit na inaninag ang paligid. Saka lang niya napagtantong nasa loob siya ng isang sasakyan at naka-upo sa front seat. Sa labas ay may mga nakapaligid na mga motor at sasakyan, at ang ilaw na sumalubong sa kaniya kanina ay nagmumula sa headlights ng mga iyon.

"Good morning, sleeping beauty. You're finally awake."

Napalingon siya sa katabing naka-upo sa driver's seat at doon ay nakita niya ang dating matalik na kaibigan— si Micco. Diretso itong nakatingin sa harap habang ngumunguya ng chewing gum.

Realization filled him the moment he saw his old friend. Kasalukuyan na siyang nasa panahon kung saan niya napiling bumalik upang ayusin.

Nilingon siya ni Micco at nang makita ang ekspresyon ng mukha niya'y tumaas ang isang sulok ng labi nito.

"Bakit para kang naka-kita ng multo kung titigan ako?"

For a moment there, he was lost for words.

Si Micco ang nag-iisa niyang kaibigan simula nang dumating sila ng ama sa Pilipinas Naging ka-klase niya ito sa elementarya hanggang high school, and just like him, Micco was a product of a broken family. They clicked and became partners-in-crime. They started to drink alcohol, smoke cigarettes, and use drugs. They often skipped school and would steal items from grocery stores and other shops.

SHATTERPROOFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon