But things didn't get better for Shin and the twins.
Dahil sa taunang okasyon ay hindi nakahanap si Shin ng bakanteng lodging house na maaari nilang tuluyan ng kambal, at wala ring mga bakanteng bahay. Kaya nakiusap na muna siya kay Ana na patuluyin sila ng kahit ilang araw lang sa bahay nito hanggang sa makahanap siya ng malilipatan at trabaho. Ang kaunting pera na natira sa bangko ay kailangan niyang tipirin para sa pagkain nila sa susunod na mga araw at paunang bayad sa lilipatang bahay.
May tatlong anak si Ana na pawang mga binata at dalaga na. Si Jack ang panganay na sinundan ng labingpitong taong si Annie at dose anyos na si Mark. Ang asawa nito'y mangingisda at mabait sa kanila, subalit maliit lang ang bahay ng mga ito at nagsisiksikan sa iisang kwarto. He and the twins would just spread a blanket in the small living room, and that's where they would sleep every night.
Bagaman sinabi ni Ana na ayos lang sa mga itong naroon sila, ay hindi kinaya ni Shin ang hiyang nararamdaman. Maliit lang ang bahay at halos magsiksikan na ang mga ito, pagkatapos ay dumagdag pa sila.
Pakiramdam niya ay naaabala niya ang mga tao sa kaniyang paligid dahil sa kamalasan niya sa buhay. Kaya naman sa araw-araw ay ginawa niya ang lahat upang ikutin ang bayan ng Canbera para maghanap ng kahit maliit lang na kwarto para sa kanila ng mga anak.
Until one week later and after the week-long festival, Shin was finally able to find a cheap studio-type apartment at the border of Canbera and the next town. May kalayuan ng kaunti sa bayan pero mura ang upa at tahimik ang paligid. May malapit ding nursery doon kaya alam niyang hindi siya mahihirapan sa kambal. Nang araw ding iyon ay nagpaalam na siya sa pamilya ni Ana at nagpasalamat, saka hinakot ang mga gamit mula sa storage space at inilipat doon sa apartment.
Pagkatapos niyang ayusin ang mga gamit sa loob ng apartment ay nagtungo siya sa bayan upang mamili ng supply ng pagkain kasama ang kambal.
"Pa, bakit kaunti lang ang binili natin?"
Mula sa pagsuri sa hawak na withdrawal slip ay niyuko niya si Steyah. Nasa harap sila ng grocery store kung saan niya binili ang pangunahing pangangailangan ng mga ito. He bought a small can of milk, biscuits for when they're hungry, canned goods, and bath soaps.
"We have to... save up," sagot niya sa anak saka muling sinulyapan ang numerong nasa maliit na slip.
Nanlumo siya habang pinagmamasdan iyon— ni hindi man lang niya namalayang paubos na nang paubos ang pera sa bangko. Ayon sa numerong nakikita niya, maswerte nang abutin pa ang perang iyon ng isang linggo.
Masyadong napa-laki ang gastos ko noon kina Ana... bulong niya sa isip bago nagpakawala ng malalim na paghinga saka isinuksok ang papel sa bulsa ng pantalon. Kapalit ng pagtira nila sa bahay ni Ana ay nagkusa siyang sagutin ang pagkain ng lahat— kaya nabawasan nang nabawasan ang perang nasa bangko.
Muli niyang niyuko ang mga anak na naka-kapit sa magkabila niyang pantalon.
"Can we still buy ice cream, Pa?" tanong ni Stern na ang isang daliri ay kagat-kagat.
He smiled at his son.
"Of course. We'll go to the ice cream shop the moment Papa gets a job."
Nakaka-intinding tumango si Stern at hindi na sumagot pa. Nakita niya ang suot nitong jacket na bahagyang lumaylay sa kaliwang balikat nito kaya tumingkayad siya at inayos iyon. Pinasuot niya ng jacket ang mga anak bago sila magtungo sa bayan dahil sa malamig na panahon. Iba ang ihip ng hangin sa araw na iyon, at dahil malapit lang ang dagat sa bayan ay kaagad nilang naramdaman ang pagbago ng panahon. Tiningala niya ang langit at nakita ang unti-unting pagkalat ng dilim.
BINABASA MO ANG
SHATTERPROOF
General FictionWATTYS 2021 WINNER - WILD CARD CATEGORY Shin Takano used to be a notorious gang leader; living his life surrounded by money, alcohol, cigars, drugs, and women. He used to show no mercy to his targets and enjoyed the fun of beating them up and scammi...