Prologue

146 12 0
                                    


"Mahal na mahal kita, Dodong," ani Paula, isa sa mga anak ng pinakamayaman at pinaka-makapangyarihang pamilya sa Sitio Cabreza, ang  Pamilya Ajera.

"Mahal na mahal din kita kaya sisikapin kong ibigay sayo at sa magiging anak natin ang maginhawang buhay na nakasanayan mo," tugon ni Stellvester sa kasintahan.

"Hindi talaga ako nagkamali sa ginawa kong pagpili sayo," sabi ni Paula bago dumating ang isang hukbo ng mga gwardya mula sa tahanan ng mga Ajera.

Sa takot ay napakapit nang mahigpit si Paula sa braso ng kasintahan na akmang tatayo sana upang batiin ang mga dumating subalit tinutukan agad s'ya ng baril.

"Maawa po kayo, nagmamahalan lamang kaming dalawa," pagmamakaawa ng binata sa mga gwardya.

Maya-maya pa'y isang babaeng di nalalayo sa edad ni Stellvester ang lumantad. Punung-puno ng kolorete ang mukha nito na bumagay naman sa matapobre n'yang katauhan.

"Isa kang kahihiyan, Paula! Paano mong nagagawang bahiran ng dungis ang ating pamilya?" sigaw ng nagngangalit na donya.

"Pero ate, balewala na ang dungis na ito kung matagal nang marumi ang ating pamilya. Hayaan nyo na kami ni Stell," mangiyak-ngiyak na tugon ni Paula.

"Damputin si Paula at mauna na kayo sa mansyon. May kailangan pa kaming pag-usapan ng hampaslupang ito," pag-uutos ng matapobreng donya sa mga alagad n'ya.

Walang anu-ano'y dinampot ng mga gwardya ang umiiyak na si Paula at dinala ito pabalik sa kanilang tahanan. Naiwan ang kawawang kasintahan nitong si Stellvester kasama ng malupit na donyang si Consta.

"Alam mo, Stellvester, kung yaman lang din naman ng pamilya namin ang ninanais mo, alalahanin mong hindi lang si Paula ang dalagang anak ng Pamilya Ajera," ika ni Consta habang nag-iikot sa mumunting tahanang binuo ni Stell at Paula.

"Si Paula ang tanging mahal ko at hindi na mababago 'yon. Isa pa Donya Consta, wala akong kahit na anong interes sa yaman ng pamilya mo dahil hindi no'n mapapantayan ang pagmamahalan naming dalawa ni Paula," pagtatanggol naman ni Stellvester sa sarili.

"Kawawang Stellvester, ni hindi ka man lang magawang ipaglaban ng babaeng ipinaglalaban mo. Nakita mo ba yung kanina? Wala s'yang nagawa sa akin, hindi ba? Ano pa kung sa aming mga magulang.

Kung ako sayo, mas pipiliin ko yung mas may kapangyarihan. Si Paula, maganda s'ya ngunit mahina. Mayaman pero walang kapangyarihan. Eh ako?" pang-lalansi ng donya.

"Alam mo ba kung bakit ka ganyan? Dahil walang nagmamahal sayo at walang magmamahal sayo dahil sa kasuklam-suklam na ugali mo!" tugon ni Stellvester.

"Matagal na kitang minamahal, Stellvester pero bakit hindi mo ko magawang mahalin pabalik? Lahat kayo! Puro kayo Paula! Sinusumpa ko kayong dalawa!" bitaw ni Consta sa binata habang tumutulo ang mga luhang galing sa poot na nadarama nito.

"Wala nang makakatalo pang ibang sumpa sa sumpaan ng aming pagmamahalan na nagbunga pa ng isang biyaya, donya Consta," pagtatanggol ng binata.

"Maniwala ka sakin, Stellvester. Walang halaga ang sumpaan n'yo dahil sinusumpa kong hinding-hindi na kayo magkikita kailanman!" galit na galit na sigaw ni Consta.

Akmang paalis na sana ang donya ngunit tumigil ito sandali nang mapatapat sa pintuan.

"At ang anak mo, isinusumpa kong hindi s'ya magiging masaya. Hinding-hindi! Dahil lahat ng taong mamahalin n'ya, MAMAMATAY!" ito ang mga huling bitaw ni Consta bago tuluyang lisanin ang tahanan ni Stellvester.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

The Fatal Love Of ZamarrahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon