I looked around the house na minsan ko ring itinuring na tahanan. Hindi pa rin pala nila inaalis ang mga butterflies ko sa walls. Even my trophies were still displayed sa ilalim ng television.Justin is still holding my hand, that made me relaxed. He caresses my fingers with his thumb. I could get used to this.
"Ate Zaaaaam!!!" a little girl about four years of age called me.
Sinubukan kong alalahanin ang mukha nito pero hindi talaga familiar. Nakakatuwa sya kasi inalis nya yung pagkakahawak ng kamay namin ni Justin tapos sumingit sya sa gitna namin.
Nagkatinginan lang kami ni Justin and then we both laughed.
"Zarrah, baba dyan!" sigaw ni Tito Drake sa bata.
"Z-zarrah? Magkahawig pala pangalan natin ah," I talked to the little girl.
"Opo, ate Zam. Alam mo ba, idol kita ate Zam!" Zarrah said.
Nilapitan kami ni Tito Drake para kunin si Zarrah. I flinched a little dahil sa presensya nya pero agad namang hinawakan ni Justin ang kamay ko to remind me that I shouldn't be afraid for I have him, my baby bug.
"Ang kulit-kulit talaga nitong panganay namin eh, pati ate nya, ginugulo," ika ni Tito Drake habang karga si Zarrah.
"Panganay nyo ni mom? Sya na pala yun," tugon ko.
"Oo, Zam. Sayang nga kasi di mo sya naalagaan nung baby sya kasi nasa tyan pa sya ng mom nyo nung umalis ka," Tito Drake said.
"But how does she know me?"
"Syempre ikinwento kita," a woman appeared.
She kissed the little girl and Tito Drake as soon as she enters the house. Inilipat ko ang paningin ko kay Justin dahil ayokong masaksihan ang saya ng pamilya nila.
I noticed na biglang parang pinapalabas ni mom ang mag-ama nya. Parang na-gets din ito ni Justin kaya lumabas din sya to leave me and my mom alone.
Sobrang awkward ng atmosphere namin. Para kaming hindi magkakilala tapos pinilit na mag-usap.
"Zam, napadalaw ka? Uuwi ka na ba?" tanong nya sakin.
"No. I was just about to ask you about me. Kung paano akong napadpad sa poder nyo and everything," sagot ko.
"Kuwentuhan muna tayo. Kamusta ka na?"
"Ayos naman. I've been doing good simula nung umalis ako dito. At mukhang... kayo rin naman."
That's when I noticed na maya't-maya nyang hinahaplos ang tyan nyang lumobo na naman.
"Oo. Pero kulang talaga pag wala ka dito, Zam."
"Pansin ko nga. Sa sobrang pagkakulang, dinadagdagan nyo pa. Ano palang balak nyong ipangalan dyan? Yung malapit na naman sa pangalan ko?"
"Sana. Pero lalaki ito kaya papangalanan naming Zamuel."
"Oo nga pala. Naalala ko. Babae nga pala yung si Zarrah kaya bantay-bantayan nyo. Buntis na naman kayo kaya yung asawa nyo baka... naghahanap na naman..."
Biglang umiyak si mom. She was crying so hard na parang may kasamang guilt sa bawat hikbi nya.
"I'm sorry, Zam. Pinagsisisihan ko nang lahat ng nagawa ko sayo."
BINABASA MO ANG
The Fatal Love Of Zamarrah
Fanfic[DO NOT READ THIS STORY. THANKS.] Zamarrah's love is precious but it's dangerous. Will a Justin De Dios be able to unfold her story and unlock her heart for him? Pipiliin mo pa bang magmahal kung alam mong ang pagmamahal mo, katumbas ay kamatayan ng...