Chapter 2

74 10 0
                                    

*flashback*

Alam kong gasgas na kaya nga di na rin ako naniniwala sa kasabihang "First Love never dies."

It's not true. Lalo na sa naging experience ko. You know why?

'Cause my first love,...... died.

Ikong. He is my first love. Kahit napaka-bata pa namin no'n, alam kong love yung naramdaman ko no'n.

Nakilala ko s'ya nung bagong lipat kami sa Batangas. Tuwang-tuwa pa nga ko sa accent nya non kase tubong Tagalog talaga sya.

"Uy, ikaw ga 'yung ku-an? Yung anak ng bagong lipat?" tanong sakin ni Ikong.

"Oo pero hindi ako si Ku-an, pangalan ko Zam," paliwanag ko sa kanya.

"Pffttt... Panglalaki pangalan mo hahahah," at tinawanan na ako.

"Hoy hindi ha! Zamarrah buong pangalan ko! Zamarrah Allison! I am five years old. And I live in...," I explained.

"Sssshhhh... Alam ko na kung san ka nakatira. Pero Zamzam na lang itatawag ko sayo para di tunog panlalaki. Sali ka sa laro namin?" he asked me.

And from there, we became friends. Ikong lang naaalala kong pangalan n'ya. I was too young back then kasi.

Andami ko ngang naging kaibigan no'n because of him. Super friendly talaga ako no'n. But that was before we discovered something about myself.

We discovered that my love is fatal. Nakamamatay. Literal.

My parents noticed it first nung nagkaroon ako ng pet na puppy. Inalagaan ko talaga s'ya nang sobra. As in sobrang minahal ko yung si bujing, pinangalan ko sa pet ko.

"I love you, bujing ko," I told him as I rub his furr.

Just a day later, nasagasaan sya ng isang truck. Pero dahil sobrang bata ko pa non, umiyak lang ako without knowing what could've been the reason kung bakit nangyari yun sa kanya.

I miss bujing.

Nakakalungkot ang pangyayaring 'yon pero thankful ako to have my parents na sobrang bait talaga sakin. Or at least, my dad. Sobrang bait n'ya sakin unlike my mom.

My mom would always get mad sa mga maling bagay na nagagawa ko because of my curiosity. But my dad will come to the rescue at ipagtatanggol nya ko kay mom.

Kaya minahal ko si Dad.

I remember the first time I told him that I love him. It was father's day and I made a card for him.

"I love you, Dad," binasa ko yung card ko for him.

Three days later. On his way back home after work, isa s'ya sa mga nadamay sa isang bombing incident that time.

Iyak kami nang iyak no'n ni mom kasi ni hindi ko man lang masilip yung bangkay nya kasi sobrang nawasak daw. Kaya ipina-crimate nila ito.

Lalong naging cold sakin si mom. Dumalas pa lalo ang pamamalo n'ya sakin. That time, wala na kong kakampi.

Sa sobrang suklam nya nga sakin, umabot pa sa point na nagpapunta sya ng manghuhula sa bahay namin. Papahulaan daw nya kung bakit nagkakandamalas-malas ang buhay namin.

"Amor Poramor! Ang batang ito. Isinumpa ka, anak... Isang babae... Kulang sa pagmamahal..." ayon sa manghuhula.

"Pakilinaw po, Aling Gara. Anong sumpa? A-at sinong sumumpa?" pagtatanong ni mom.

The Fatal Love Of ZamarrahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon