Chapter 4

56 8 1
                                    


Today is Sunday, napabalik pa kami sa lumang bahay namin sa Batangas dahil naiwan do'n yung letter that could've been our very first clue.

Buti na lang at nahanap agad namin yung letter. Nagkatakutan pa nga kami bago lumabas ng bahay.

We were about to leave ni Justin nang may nag-approach sa amin na isang lalaking may katandaan na rin, mga ka-edad siguro ni Dad kung nabubuhay pa sya.

"Ay iha, ka-ano-ano nyo yung dating nakatira dyan? Yung si Ka Yuri," the man asked.

"Ah. Dad ko po, bakit po?" tugon ko.

"Nako! Buti nakita kita! 'Yang iyong ama talaga, ibinaon na rin ata kasama nya ang mga pagkaka-utang nya," he answered.

"P-po? May utang si Dad?"

"Ay nako! Akala mo napakasipag ng tatay mo? Na laging sa trabaho nagpapagabi? Sa casino! Ako ka-partner nya eh, bakas sana kami. Pero ang nangyari, ako pa tuloy magbabayad ng utang nya."

"Casino? Pwede ko po bang malaman kung gaano na sya katagal nagsusugal?"

Napatingin ang matanda sa kasama ko. Siguro ay gusto nyang kami lang ang mag-usap dahil medyo confidential ata ito.

Na-gets naman agad ni Justin so he went to the nearest store in the place.

The man, named Robin, told me everything. He and my dad were friends since high school at noon pa man, suki na sila ng mga sugalan.

Nung una ay maliliit na sugalan lamang ang sinasalihan nila pero lumala ito nung napapunta na nga ako kay Dad. Sumali na sila sa mga sugalang milyun-milyon ang pustahan.

Nananalo naman daw sila, kaso huling laban nila ay natalo sila at kinapos pa ang pambayad. Ang huling laban nila ni Dad ay ang huling gabi rin ng buhay nya.

The bombing, where he died daw kuno, was all fabricated. Pinatay na sya ng mga pinagkakautangan nya sa pag-aakalang tumakas na sya.

Binabalaan nila si Tatang Robin na sya ang isusunod kaya nagtago na rin si Tatang Robin pero nang mabalitaang may nabisita ngang kamag-anak sa lumang bahay ni Dad, napabalik sya nang palihim.

"Tatang Robin, may isa po talagang hindi malinaw sakin," sabi ko sa kausap ko.

"Sige ano yon, iha?" he asked.

"Nabanggit nyo pong milyun-milyon ang tayaan sa sinalihan nyo ni Dad, saan nya naman po kukunin ang gano'ng kalaking halaga?"

"Hindi ko sigurado pero ang lagi nyang nababanggit sa t'wing nagkakapera sya ay galing daw 'yon sa nanay ng inaalagaan nya. Ang akala ko naman, nag-be-baby sit sya, pero sobrang laki naman ata non."

Medyo napaisip pa ko nang marinig ko yon pero it all made sense when I realized everything.

My dad, he's after the money coming from my real mother. So after all, he's just baby sitting me. Wow.

I remembered the messages I always get from a specific number. Buti di ko pa nabubura messages nito.

"Ahm, Tatang Robin. I'm not so sure about this pero baka makatulong ito."

Ipinakita ko sa kanya ang messages sa akin at ibinigay ko sa kanya ang account number na pinapadalhan ng pera. You might've thought na napaka-tanga ko naman kasi ipinagkatiwala ko yon sa kanya.

To answer that, wala naman na akong pakialam sa perang 'yon. Why would I accept financial support from my own biological parents na hindi man lang ata naabutan ang pagmulat ng mga mata ko, diba?

The Fatal Love Of ZamarrahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon