Chapter 16

46 11 1
                                    


My body froze the moment I realize na ang taong minahal ko ay ang parehong taong iniyakan ko noon. And what hurts the most ay alam ko nang matagal na syang patay.

I wish this is all a dream.

Pero hindi.

"Zam, let me explain."

Should I? Dapat pa ba kong makinig sa kanya?

"First of all, I'm not a ghost."

I felt relieved nang marinig ko yun. Buti na lang hindi isang multo ang minahal ko. Pero lalo lang naging malabo para sa akin ang lahat.

"P-pero patay ka na? 15 years ago, diba?"

"I didn't die. Yung nabalitaan mong namatay, si kuya Julian yon."

"M-may kapatid ka?"

"Yah. And he's the one na nahulog sa bangin. Pero ako. Ako yung nahulog sayo.

After that happening, hindi na rin ako pinayagang lumabas dahil sa takot na mangyari rin sakin 'yon. I was missing you that time.

Gusto kong pumuslit para makipaglaro sayo. At para tuparin ang pangako ko sayong pakakasalan kita, pero umalis na kayo ng mom mo.

So I was thankful to see you again sa college. I remembered your name clearly kaya nalaman kong ikaw nga ang kababata ko, Zamzam. That's when I decided to bug you.

Matagal nang natigil ang sumpa sayo, Zam. And that was because I loved you, too kahit nung mga bata pa tayo."

Hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman nung mga sandaling iyon. Napaiyak na lang ako because I was so overwhelmed sa mga natuklasan ko at narinig mula mismo kay Justin.

"Kelan pa? Kelan mo pa alam, Justin?" tanong ko sa kanya.

"The moment you told me about our story. Na inakala mong namatay ako. I read once about Amor Poramor, a girl who has the same curse as you at natigil lamang ang sumpa nung minahal din sya ng taong mahal nya.

That's when I knew that your curse was over fifteen years ago. Dahil minahal na rin kita no'n, Zam," paliwanag nya.

"Wow. So matagal mo na pala 'kong pinapa-ikot."

"Hindi kita pinaikot, Zam..."

"Matagal mo na pala akong niloloko. Tuwang-tuwa ka pa siguro na takot na takot akong mawala ka, mamatay ka at sinamantala mo yun? Akala ko pa naman mabuti kang tao, Justin."

"I'm sorry for not telling you."

"Bakit, Justin? Bakit hindi mo agad sinabi? Bakit kailangan mo pa kong pahirapan na hanapin ang mga tunay kong magulang? Masaktan sa mga nalaman ko? At mahirapan na pigilan yung nararamdaman ko sayo? Ha?"

"Because I was afraid..."

"Afraid? Na ano, Justin?"

"Na iwan mo ko. Pag nalaman mong wala ka nang sumpa, you would find new friends and who knows, someone else to love."

"Tanga."

"H-huh?"

"Tanga ka. Antanga mo, Justin. You were the first one to still talk to me kahit nalaman mo yung tungkol sa sumpa ko. You were the first one to offer me your help.

The Fatal Love Of ZamarrahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon