Rose's POVNung isinilang ni Bb. Paula ang anak n'yang lalaki, alam ko na agad na s'ya ang magiging tagapag-mana ng lahat ng yaman at ari-arian ng mga Ajera. Wala kasing anak na lalaki ang mag-asawang Vhina at Marcus Ajera, tanging sina Bb. Paula at Donya Victoria lamang na pareho pang babae.
Naging magkaribal ang magkapatid sa pag-ibig ni Stellvester. Hindi ko naman lubos akalaing maging ang mga anak nila ay magiging magkaribal rin sa sarili nilang ama.
Makalipas ang isang buwan ay nagtungo sa akin si Donya Consta matapos niyang magkulong sa kwarto sa loob ng siyam na buwan. Siyam ba buwan. Panahong dinala nya nang palihim ang anak nya.
Matapos nyang isilang ang isang magandang babae, inamin nya sa akin ang lahat.
Nung gabing itatanan na sana ni Stellvester ang kasintahan nitong si Paula, hinarang ito ni Donya Consta kasama ng mga guwardiya. Nung una ay gusto lamang n'yang takutin ang binata upang madala ito subalit nadala sya ng sariling bugso ng damdamin.
Pinainom nya ng gayuma si Stellvester na magkakabisa lamang sa loob ng isang gabi. Hindi na sya nag-atubiling ituloy ang binabalak nyang mapasakanya si Stellvester kahit sa loob lamang ng isang gabi.
Nagbunga ang gabing iyon ng isang napakagandang batang babae na agad namang ipinamigay ni Donya Consta sa kanyang tagapag-maneho na si Kuya Yuri, ang aking kapatid. Hindi nya kayang ipaalam sa iba na isa rin s'yang kahihiyan kaya pinili nyang itago ang anak nya.
Bilang suhol, buwan-buwang nagpapadala si Donya Consta ng dalawang milyon para sa pag-aalaga sa anak nya. Nung mabalitaan naming namatay na ang aking kapatid ay tumigil na sya sa pagpapadala ng pera.
Di nagtagal ay namatay din ang Donya dahil sa isang sakit na walang lunas na nakuha nya mula sa namatay nyang kapatid na si Bb. Paula. Sa akin n'ya ipinagkatiwala ang lahat ng yaman bago mamatay subalit hindi ko alam kung ano at saan ko ito ilalagak.
Doon ko naalala ang anak ng donya. Bilang huling hiling ni Donya Consta, ayaw nyang malaman ng mga tao ang tungkol sayo kahit pa sumakabilang buhay na sya. Kaya sikreto kong ipinahanap ang number ng bata at ipinapadala ang mga pamana ni Donya Consta sa iba-ibang account, upang di madaling ma-trace.
Hindi ko akalaing darating ang araw na ikaw na mismo ang maghahanap sa kanya.
Nanghihinayang lamang ako dahil hindi kayo nagpang-abot nung nabubuhay pa sya.
*end of Rose's POV*
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"So when Donya Consta cursed Mr. Stellvester, hindi nya inakalang magkaka-anak din silang dalawa na magmamana rin ng sarili nyang sumpa?" Justin asked.
Tumango lang ako nang tumango sabay buntong hininga.
"No wonder, I resemble my Tita Paula's face. At nakaramdam ako ng lukso ng dugo kay G. Stell."
"Did Donya Consta mention anything about how to break the curse?"
"Nope. Wala ring kamalay-malay ang aking ina na magkakabisa ang sumpa nya. Nalaman lamang nya nang masaksihan ang nangyari kay Ken."
"Do you want to go see her? O kay G. Stell muna tayo?"
"I want to go to my father first and convince him to come with us to see my mom."
"Edi lez gir it!"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
So we went back to my father's place. As usual, natanawan namin s'yang kinakausap na naman ang mga strawberry n'ya.
BINABASA MO ANG
The Fatal Love Of Zamarrah
Fanfiction[DO NOT READ THIS STORY. THANKS.] Zamarrah's love is precious but it's dangerous. Will a Justin De Dios be able to unfold her story and unlock her heart for him? Pipiliin mo pa bang magmahal kung alam mong ang pagmamahal mo, katumbas ay kamatayan ng...