Part 1

24.8K 360 12
                                    

Prologue

"Arturo! Maawa ka! 'Wag mo sanang gawin sa amin 'to! Maawa ka sa mga bata!"

Pag-tangis ni Mamá na nakiki pag hatakan sa bagahe ni Papá. Ilang hakbang na lang ay mararating na niya ang tarangkahan.

Naka dungaw ako sa bintana ng aking kuwarto. Pinapanood ang pag hikbi ng naka babata kong kapatid na si Austine, na humihikbi sa tabi ni Mamá.

"Sergio! Buksan mo na ang sasakyan! Akin na ang susi!"

Utos ni Papa sa kaniyang driver.

"Arturo! Wala na ba'ng ibang paraan? Mag usap-"

"Wala ng ibang paraan Belinda! Wala na!"

Sigaw niyang muli bago pumasok sa sasakyan.

"Papá! "Sigaw ni Austine na naka yakap kay Mamá.

Bago isara ang pinto, sumulyap pa muna si Papá sa akin.

Nang mawala na siyang tuluyan sa king paningin, isinara ko na ang bintana ng silid. Si Mamá at Austine ay pumasok na muli sa aming tahanan. Bagsak ang balikat at mabigat ang bawat nilang hakbang.

Hindi Ako makapaniwala! Ang Papá na aking tinitingala at pinagmamalaki.. Nagawa ang isang bagay na sisira sa aming pamilya.

Itinakbo niya ang pera ng kompanya at ilan pang kick back mula sa iba't-ibang investors at bidding para sa susunod na buwang proyekto.

At kung saan siya pupunta, kasama ang kirida niya... iyon ang hindi namin alam. Isang umagang nakaka baliw. Isang desisyon na babago sa takbo ng buhay namin ng aking kapatid at ni Mamá.

"Natasha! Bangon na at manang halian ka na." Pag tawag ni Mamá na may matamis na ngiti.

Parang walang nangyari. Hindi ko na makita sa kaniyang mukha ang pait. Magaling na aktres talaga ang Mamá. Magaling siyang mag tago ng sakit na nararamdaman. Madali lamang iyon para sa kaniya dahil napaka ganda niya at napaka bata pa niya.

Belinda Armada Amorine, ang ngalan ng aking ina. Dise-nuwebe anyos lamang siya ng ikasal kay Papá na kasalukuyang bente-siyete anyos lang noon. Sa photo album nila ay halos kamag-anak lamang ang naroon. Ayon sa kuwento ni Mamá ay biglaan at hindi pinagplanuhan.

Walang pag-mamahal. Wala pa. Natutunan na lamang mahalin ni Mamá si Papá nang tatlong buwan na silang kasal. Bente anyos naman si Mamá ng isilang ako. Pitong taon bago ako nasundan ni Austine Amatiel Amorine.

Laking tuwa noon ni Papá dahil dumating si Austine. Pinagmamalaki niya ang kapatid ko lalo na at matagal na hinihiling ni Papá ang anak na lalaki. Pantay ang trato ni Papá sa amin ni Austin. Walang lumalamang.

Ngunit sa kabila non, hindi pa rin tumigil si Papá at ang kerida niya. Tuloy-tuloy pa rin ang panloloko nila kay Mamá.
Halos gabi-gabi ay naririnig ko ang pag hikbi ni Mamá. Gawa lamang sa kahoy ang dingding na pumamagitan sa aming silid.

"Paborito mo ang niluto ko... "

Malambing na sabi ni Mamá.

Ngumiti lamang ako at naupo sa tabi ni Austine. Naka simangot at naka yuko ito sa hapag.

"Mamá, ano pa't naka handa ang kubyertos ni Papá? Hindi naman na siya babalik. di po ba?" Mahinahon kong tanong.

Binitiwan ni Mamá ang kubyertos. Hinimas ang aking balikat at ngumiti na punong-puno ng pag-asa.

'Babalik siya. Anak. Mag-tiwala ka lang." Sambit niya na sumulyap pa kay Austine na walang ganang kumakain.

Tahimik ang hapag kainan. Hindi tulad kahapon na palaging may tanong si Papá at kinukumusta ang aming eskuwela. Wala na rin kibot at amok si Austine dahil wala ang taong palagi niyang binibidahan ng mga kuwento niya. Wala na.

"Mamá Ako na po!" Sigaw ko ng maabutan siyang nag huhugas ng mga pinagkainan.

"Hindi na anak. Kaya na ito ni Mamá." Mahinhin na sabi niya na hinawi pa ang aking naka ambang kamay.

"Bakit kasi ikaw ang gumagawa niyan? Nasaan ba si Manang Delia?"

Nag palinga linga ako sa pag hahanap.

"Manag Delia!" Sigaw ko.

"Shh.. Natasha, wala na si manang. Umalis na."

Gumuhit ang pait sa labi ni mama habang mabusising kinikiskis ang kaldero.

"Bakit po? May nangyari po ba?"

"Hindi ko alam kung paano sisimulan..."
Kaniyang panimula habang binabanlawan ang kamay.

"Halika at mag-usap tayong dalawa." Paanyaya niya sa akin at naupo sa sala.

"Natasha, dumating si Attorney Viel dito ngayon lang umaga.. naka handa ng dakpin ang ama mo anumang oras. Nasa fiscal na ang kaso. Naka hain na ang mga ebidensiya laban sa kaniya..

Nanginginig ang braso ni Mamá habang naka suporta ang mga kamay sa tuhod.

Hindi ko alam ang dapat na sabihin... hindi ko alam kung bakit namamanhid ang puso ko.

"Walang piyansa ang kaso niya! Ang sabi ni attorney nasa turkey ang Papá mo.."

"Turkey? Kung ganon, malayang malaya siya. Sila. Dahil sa pag kaka alam ko, doon din tumira sina kyle at ang mommy niya na kinasuhan ng adultery. Sa bansang 'yon kasi walang bisa ang kaso sa pinanggalingan mo di po ba?"

Tumango si Mamá at nag pahid ng sariling luha.

"Hindi ko alam kung paano pa babayaran ang mga kasambahay, maging ang driver mo ay pinauwi ko na.." Taas baba niyang hinihimas ang sariling hita. Namuo muli ang luha sa kaniyang mata.

"Sinabi ni Attorney, yung tatlong sasakyan natin ay ibenenta ng Papá mo sa iba't-ibang tao.." Tuluyang napa hagulgol si Mama"

Napapa iling naman ako dahil sa pagka dismaya. Tuluyan na yatang nabura ang respeto ko kay Papá.

"At ang masakit pa do'n, wala na ang ibang ari-arian natin dahil sinangla ng Papá mo sa bangko! Kasama ang bahay na ito." Pag kaawa sa aking ina ang nangibabaw sa halip na panghihinayang sa mga bagay na nawala na sa amin.

Isinandal ko siya sa aking balikat. Wala akong maramdaman na pag luha. Tuluyan na akong nasanay sa ganito. Di na yata ako tatablan ng sakit pa.

"Umuwi na po tayo sa Maynila Mamá. Sa Hacienda ng Lolo Ismael? Sa Hacienda ng Ama ni Papá?"

"Paano ang pag aaral mo? Paano kayo?" Nag aalala niyang tanong.

"Mamá, tatapusin ko. Ilang buwan na lang graduate na ako..."

"Wala na tayong pera para tustusan pa ang edukasyon ninyo ni Austine."

Huminga ako ng malalim at kumpiyansang ngumiti.

"Shh.. mama, mag tatrabaho ako. Kakayanin ko. Mag tatapos ako. Pangako. At dadalhin kita sa Paris. Ikaw at si Austine!" Masigla kong sabi na kumindat pa sa kaniya.

"Anak. Hindi ko alam kung anong kabutihan ang nakita sa akin ng Dios para biyayaan ng tulad mo at ni Austine.. salamat anak."

"Shhhh.. Mamá. Tahan na..."

The Millionaire's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon