Part 12

10.6K 255 5
                                    

Ash POV

Gustuhin ko man mag liwaliw sa lugar na alam kong sasaya ako pero hindi ko na ginawa pa. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako kay Mamá. Paano niya kaya naaatim na isiksik ang sarili kay Papá? Masaya na sana ako kung nasagot niya ang tanong ko kung mahal niya pa ba si kasandra! Pero hindi eh! His Silence means Yes. I know.

Siguro mas mabuting bumalik na lang ako sa bahay ni Spencer. Kailangan ko rin siya maka usap para sa trabaho ko bilang manager ng Isang standard cosmetic. Mainam na rin na tanggapin ko ang alok niya na iyon. Para naman kapag nag tanong ang Mamá ay maipapanatag niya ang kaniyang kalooban dahil maayos ang pinapasukan ko.

"Ma'am mag papahatid ba kayo?" Tanong ng driver ng Papá.

"Ash na lang po itawag niyo sa akin. Salamat na lang po pero hindi na kailangan." Magalang kong saad habang naka ngiti sa manong.

Pag labas ko ay agad akong pumara ng taxi at sinabi sa driver ang subdivision na tinutuluyan ni Spencer. Susubukan ko sana siyang tawagan kaya lang naiwan ko ang phone ko sa ilalim ng unan.

Nag aalala tuloy ako kung sakaling tumawag siya at si Mamá ang maka sagot. Baka kung ano ano pa ang sabihin niya. Ayoko naman bumalik sa bahay na 'yon hanggat hindi kami nag kaka ayos ni Papá.

Alas nuwebe na nang makarating ako sa bahay ni Spencer. Sakto naman dahil palabas ng gate ang isa sa mga tao niya kaya hindi na ako kinailangan mag door bell. Napansin ko na naka simangot siya kaya kinumusta ko ang lagay niya.

"Ma'am ikaw pala."

"Manong, ayos ka lang?"

"Oo ayos lang ako. Medyo mainit lang ang ulo ni Spencer dahil hindi ka daw niya matawagan." Umiiling.

"Ganon pala. Naiwan ko kasi sa bahay yung phone ko. Pasensya na po..."

"Ayos lang... sanay na ako sa batang 'yon! Pumasok ka na at mag tatapon pa ako ng basura."

Saad niya sabay bitbit sa itim na trash bag.

Pumasok na ako kahit pa kabado ako sa magiging reaksiyon ni Spencer. Naisip ko na pabalikin si Manong at ako na lang ang mag tapon ng basura. O di kaya mag dilig ako? Kaya lang ang init na talaga ng pakiramdam ko dahil tatlong araw na akong walang ligo. Ano kaya kung bumalik na lang ako kapag Pumasok na siya sa trabaho?

"Ma'am bakit hindi ka pa pumasok?"
Saad ni Manong na kakapasok lang ng gate.

"Kinakabahan kasi --ako Manong." Mahina kong sabi saka huminga ng malalim.

"Mabait naman si Spencer... nag kataon lang na sumabay sa init ng ulo niya ang daddy niya. Si Mr. Generoso?"

Saad niya na agad din tumalikod matapos marinig ang mahinang mura mula sa aking likod.

"Tang*na!"

Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Boses niya pa lang ang narinig ko pero sobrang dagundong na sa aking dibdib ang naidulot non. Paano pa kaya kapag hinarap ko siya?

"My God Natasha! Thank God You were here." Usal niya na yumakap mula sa aking likod.

Hindi ko alam kung bakit sa halip na kumalma ako dahil hindi naman siya nagalit ay mas lalo lamang yata umakyat ang lahat ng dugo sa aking ulo. Sobrang kaba ang nararamdaman ko dahil sa pag yakap niya. Mas mahigpit mas lalong mahirap huminga dahil sa maligalig kong dibdib.

"Pinag-alala mo 'ko..."
Sambit niya saka ako pinihit paharap.

"Sorry Kasi... nakalimutan ko yung phone ko sa hacienda." Usal ko habang naka yuko.

The Millionaire's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon