Part 37 👤Arturo 👤

7K 181 11
                                    

ARTURO POV

Bilang isang ama at asawa, responsibilidad ko na maging mabuting ehemplo at modelo sa aking pamilya. Ngunit hindi ito ang nangyayari sa aking pamilya. Magkaibang pamilya na pilit kong ipinag bubuklod. Na sa huli, lalo lamang pala masisira dahil sa akin.

Kinagabihan noong araw na sinundo ko si Natasha at Belinda upang iuwi dito sa Hacienda ng aking namayapang ama na si Papá Ismael, binasa ko ang iniabot sa akin ni Natasha na Diary ng kaisa-isang anak ko na lalaki. Si Austine na pangarap din na sundan ang aking yapak. Pangarap niya na maging isang engineer.

Sa Isang pag kakamali, nag dulot iyon ng malaking impact sa aking pamilya para bumagsak. Lungkot ang lumamon sa aking anak na si Austine upang wakasan ang kaniyang buhay.

Nakakalungkot isipin na nakapasa siya sa pag susulit pero hindi sa pag subok ng buhay sa sandaling nawala ako. Nawala na sa akin si Austine. Tanging si Trixie at Natasha na lang ang meron ako kaya naman hanggat maaari ay ayokong mamili sa pagitan nila.

Buong buhay ni Trixie, palagi niyang sinasabi sa akin na si Spencer talaga ang gusto niya. Wala siyang ibang bukambibig kundi si Spencer lang. Maraming pag kakataon nga ang nais ako makaharap ng kanilang mga magulang ngunit hindi ko ginawa. Iyon ay dahil alam ko na mabubunyag ang iniingatan kong lihim sa aking mga anak.

Minabuti kong suportahan si Trixie sa lahat ng bagay na mag papasaya sa kaniya. Wala ako palagi sa tabi niya pero malaking pasasalamat ko naman sa pamilya Vahrmaux dahil sila ang pumupuno ng pagkukulang ko sa aking anak na si Trixie. Maliban sa suporta at pinansiyal, wala na akong iba pang nagawa upang matupad ang kahilingan ni Trixie na mabuo ang pamilya namin ni Kasandra.

Paano? Gayong Mahal na mahal ko si Natasha at Belinda. Pero nalilito pa rin ako dahil may parte sa puso ko na sinasabing may natitira pa talaga para kay Kasandra. Kaya hindi ko magawang mamili sa kanila.

Ngunit sadyang mapag laro ang tadhana. Sa kabila ng aking pagtataksil at pag abandona sa aking pamilya, nag krus ang landas ni Natasha at Spencer. Ako rin pala mismo ang mitsa na tatapos sa kaligayahan ng aking anak na si Trixie.

Alam ko na labis siyang nasaktan ng mapag alaman na ginagantihan siya ni Natasha upang masaktan at makabawi sa lahat ng dinulot kong pasakit sa kanila. Sobra sobra akong nadurog ng masaksihan ko ang pag durusa ni Trixie. Dahil sa isang lalaki.

Siguro ay ito ang kapalit ng aking pag tataksil. Naniningil ang Dios at bilang kapalit, kailangan kong kaltasan ang ligaya ng isa sa aking mga anak upang maging malaya at maligaya ang isa. At ang isa naman ay tuluyang malugmok sa kalungkutan. Saksi ako sa pag durusa ni Trixie. Sa bawat patakbo niyang pag tangis palapit sa akin, sa bawat daing ng masakit niyang damdamin, wala akong magawa kundi ibunton sa aking sarili ang lahat ng nangyayari.

Masakit makita na gumuguho ang mundo ni Natasha at Trixie dahil sa isang lalaki. Sa kanilang dalawa, higit na makakaunawa si Ash. Higit na malakas ang loob, matapang, at handang mag paraya. Si Trixie naman ay sadyang uhaw sa pag mamahal, mahina ang loob at mahina rin ang kaniyang puso.

Kung kayat mapatawad nawa ako ni Natasha kung kaligayahan niya ang dapat kong kaltasan. Alam ko na sa huli, mauunawaan at matatanggap niya ito. Mahirap din para sa akin ang Sakripisyo na hihilingin ko kay Natasha. Lalo pa ngayon na may matibay na dahilan upang mag paraya siya. Ang buhay sa sinapupunan ni Trixie. Ang anak nila ni Spencer.

"Dad?"  Tawag ni Trixie nang magising.

Nasa ospital pa rin siya. Kasalukuyang ako at si Kasandra ang nag babantay sa kaniya.

"May gusto ka ba?"  Tanong ko saka inangat bahagya ang kaniyang higaan.

"Si Spencer po ba-- ss-- sabi niya kasi before work pupunta siya dito?"  Tanong ni Trixie habang dinudungaw ang bintana na bahagyang natatakpan ng kurrina.

The Millionaire's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon