Part 4

12.7K 295 3
                                    

Encounter !!!

Natasha P.O.V

Pag tapak ko sa terminal, tanaw na tanaw ko na agad ang nag lalakihang gusali. Kinailangan ko pa sumakay ng taxi papuntang Mariago Resort. Twenty minutes after ng marating ko iyon. Hindi ko akalain na sadyang malawak pala ang resort na ito at marami rin turista ang nagaawi dito.

Sa labas pa lang ay sinalubong na ako ng aking manager na si Ma'am Adele. Nakilala niya lamang ako dahil sa mga photo na pinadala ko sa kaniya sa Yahoo messenger.

Agad niya akong sinamahan sa room hotel na pansamantala 'kong tutuluyan. Mamayang gabi din ay mag sisimula na ako sa trabaho. Sa ngayon, kinakailangan ko munang ilaan ang oras ko para sa aking sarili.

Mula sa labas ng bintana ng hotel, kita ko ang mga tao na para bang wala silang problemang dinadala. Lahat sila mukhang nandito sa resort para mag enjoy. Pero ako, narito para makipag sapalaran.

Bago ako umidlip, nag message muna ako kay Austine para ipaalam na maayos at ligtas akong nakarating dito. Hindi ko na hinintay pa ang reply niya dahil hindi ko na rin talaga kayang pigilan ang pag bagsak ng aking namuyat na mga mata.

Ala-sais na ng gabi nang katukin ako ng tauhan ni Ma'am Adele. Dala nito ang tatlong kahon na mag kakapatong.

Long red gown, Amarah's Jewelry, and platinum red high heels and make up. Napaka saya ko na magagamit ko ang mga ito sa trabaho. Simple lang naman ang trabaho ko. Ang sabi sa akin ng manager ay mag a assist lang kami ng guest sa El Palacio de Cassino. Dito rin sa Mariago resort.

We have to be nice and polite sa mga makaka salamuha namin. thirty thousand ang isang gabi na kikitain ng bawat “MUSE”. Pwede na dahil hindi naman illegal. Basta ang mahalaga lang sa akin ay ang pag-aaral ni Austine at para sa dialysis ng Mamá.

Medyo nakaka kaba pala. Lalo na at hindi ko pa kabisado ang pasikot-sikot dito sa resort. Nang matapos ako sa pag aayos ay isa-isa na kaming pinapasok ng manager sa isang Hub para sa mga MUSE. Nasa walong babae kami. Sa tapat naman ng hub na ito ang para sa mga Escort.

Nang sinubukan kong lumabas, Nakita ko ang isang escort na naka suot ng tuxedo na mukhang nasa edad 25. Naka kapit sa kaniyang braso ang matandang babae na nasa edad 60. Panay ang singhot ng matanda sa kaniyang tuxedo at maka ilang beses pa siyang hinagkan ng halik sa pisngi ng Kasamang Escort.

Napa kunot ang aking noo dahil sa nasaksihan. Medyo kinalabit ako ng takot dahil sa biglang sumagi sa isip ko na paano naman kaya ang trabaho ng isang muse? Halos lahat ng muse at escort rito ay naka suot ng mask.

"Ash!" Pag tawag ni ma'am Adele mula sa aking likuran.

"Nakalimutan ko palang sabihin sa 'yo na kailangan mo itago ang real identity mo. Even your name."  Saad niya sa napaka hinang tinig.

"Pp-para saan po?" Taas kilay kong tanong.

"Basta! Protocol kasi yun... " Paliwanag niya na humawak pa sa aking kamay.

"Ashley na lang po ang itawag niyo. Ma'am."  Magalang kong sagot.

"Ashley! Okay. I love it. So, are you ready?"

"Yes. Ma'am."   Kabado man ako ay pinilit ko pa rin sumagot ng tuwid.

Nang pumatak na sa Alas siyete ang oras, isa-isa ng nag sipasok ang mga Mayayamang manlalaro. Naririnig ko pa si Ma'am Adele na tinatawag ang iba sa kanilang Governor and Senator. Kaya mas lalo akong kinabahan. Namamawis ang aking palad sa labis na tensyon.

Matapos nilang sumilip sa amin ay agad naman tinawag ni ma'am adele ang isang muse na "Leila" ang pangalan.

Diretsyo itong tumayo at nag-abot ng kamay sa senator na pumili sa kaniya. Nag abot ng puting sobre ang senator sa manager. Matapos iyon ay sumama na palabas ang muse sa matandang senator.

The Millionaire's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon