Part 32 ⭐|SIWALAT|⭐

7.1K 183 1
                                    

Ash POV:

"Bakit tayo tumigil?" Nag aalala kong tanong nang tumigil si Spencer sa pag mamaneho.

Nakatutok ito sa kaniyang telepono. Kunot ang noo at bakas sa kaniyang mukha ang panggagalaiti.

"May problema ba?" Kalmado kong tanong.

"Ash, I think dapat malaman mo 'to." Usal ni Spencer nang di nag aalis ng tingin sa phone.

"Ano ba kasi 'yan?"

"Nag pa investigate si dad."

"Si Mr. Generoso?" Gulat kong tanong.

"Bumili kasi kami ng property sa Cagayan Tuguegarao--"

"Sa probinsya namin?"

"Mismong bahay niyo Ash."

Napasalubong ang aking kilay. Hindi ko lubos maintindihan ang sinasabi niya kaya naman hinintay kong matapos ang sasabihin niya.

"Lumalabas na si Kasandra Surio ang owner ng property. Si Kasandra Surio din ang lumalabas na--"

"Hayop siya! Niloko nila ang Papá! Paano nila nagawa iyon?"

"Hindi ko alam..." umiiling na sagot ni Spencer.

"Sabi na nga ba! May mali talaga! Pero bakit? Dapat malaman na ito ni Papá. Dapat niya malaman kung anong klase ang mag-ina na 'yon!" Sigaw ko saka pinaandar ni Spencer ang sasakyan.

"Sasabihin mo ba?" Tanong ni Spencer habang diretsyo ang tingin sa daan.

"Hindi naman iyan ang nasa isip ko. Ang nasa isip ko ay kung papaniwalaan ba ako ni Papá."

"Of course! Anak ka niya--"

"Mali ka diyan. Ama ko lang siya. Pero hindi niya ako anak." Mahina kong sambit.

"Nag-aalala ako para sa 'yo Ash." Usal ni Spencer saka hinawakan ang aking kamay habang nag mamaneho.

"Huwag mo akong alalahanin. Kaya ko naman ang sarili ko." Saad ko saka ngumiti.

"I'm sorry Ash. Dahil ito sa akin."

"Hindi mo kasalanan ang kasalanan ng iba. Nag-mahal ka lang din naman." Mahina kong sambit.

"Si Trixie, para ko na rin siyang kapatid. Mga bata pa lang kami, madalas na kaming tuksuhin sa isa't-isa ng mommy niya..." Kuwento ni Spencer habang nag mamaneho.

Tahimik lamang akong nakikinig. Gusto ko rin malaman kung paano nga ba sila nag kakilala.

"Nag debut siya, ako ang first and last dance niya. Kahit pa may boyfriend siya that time."

"Bago ikaw? May iba pa?" Pagtataka ko.

"Yes. Pero di rin sila nag-tagal. Kalaunan inamin niya sa akin na sinubukan niya lang daw talaga hanapin sa iba-- yung saya na nararamdaman niya kapag ako ang nakikita at kasama niya."

Kumirot ang puso ko matapos marinig ang sinabi niya. Kung ganon pala, sinubukan talaga ni Beatrixie na labanan at pigilan ang nararamdaman niya para kay Spencer.

"Mahal ka talaga niya ano?" Mahina kong sambit.

"Masyado na rin malalim ang pinagsamahan namin. Lahat ginawa ko para ma-turn off siya sa akin. Pinakita ko sa kaniya kung gaano ako kagago. Nakikipag date ako sa kung sino-sinong babae. Para lumayo na sana ang damdamin niya pero--sa huli ako lang ang napagod. Nakakapagod ang pag-titiyaga niya." Pag-papatuloy ni Spencer.

Ngayon nauunawaan ko na. Malalim pa sa dagat ang pag-mamahal ni Beatrixie para sa kaniya. Napaka sakit nga nito. Bakit ganito? Pakiramdam ko nakagawa ako ng isang napaka laking krimen? Bakit kapag sumasaya ako, kailangan maging kapalit ang pasakit nito kay Beatrixie?

The Millionaire's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon