ASH POV
Pag bukas ng tarangkahan, tumakbo ako patungo kay Mamá na kasalukuyang nasa Hardin. Nasa kaniyang tabi ang baston na bago lamang sa aking paningin.
Mukhang hindi niya ako maramdaman dahil sa tila napakalalim ng kaniyang iniisip habang naka tingala sa langit.
"Mamá?" Pag tawag ko.
Marahan itong lumingon sa aking direksiyon. Napangiti ng makita ang aking sapatos. Dahan-dahan na nag angat ng tingin sa akin saka ako pinaanyayahan na maupo sa kaniyang tabi.
"Akala ko ay hindi ka na darating." Nakangising sabi ni Mamá.
"Kumusta ka Mamá?" Tanong ko saka inabot sa kaniya ang tinapay na pinalamanan ng kesong puti.
"Hindi ba't ako ang dapat na nag tatanong niyan? Dahil ako--kahit malabo na ang kaliwang mata ko dahil sa katarata, ramdam naman ng puso ko na nahihirapan ang anak ko." Saad ni Mamá habang naka tukod sa baston.
Lumaki nga ang puti sa kaliwang mata niya. Hindi ko tuloy maiwasan na kaawaan ang lagay niya.
"Ma--nasasaktan ako." Sagot ko saka sumandal sa aking kinauupuan.
Natawa lang si Mamá sa aking sinabi.
"Bakit po? Nakakatawa ba ako umiyak?" Natatawa ko rin na tanong habang pinupunasan ang aking pisngi.
Umiling si Mamá. Kinagatan ng kapiranggot ang tinapay. Matapos lumunok ay nag salita rin siya.
"Ang pag mamahal ay parang bunga ng isang puno. Kapag pinitas mo ng hindi pa hinog, natural mapakla ang lasa. Kung kinagatan mo eh siguradong iluluwa mo rin. Masasayang lang. Sayang hindi dahil hindi mo nakain ng tama. Kundi sayang naman ang bunga dahil sa oras na dumating ang tamang panahon na kaniyang pag hinog-hindi na siya maaaring anihin pa dahil sinayang mo iyon."
"Hindi ko po maintindihan?" Sambit ko habang naka tingala sa direksiyon na tinitignan ni Mamá.
"Kung mapait o mapakla man ang pag pag ibig mo sa ngayon, dalawa lang ang maaari mong gawin. Ang tiisin ang mapaklang lasa o ang mag hintay pa ng tamang pag kakataon hanggang sa mahinog ito." Ani Mamá.
"Ibig ba sabihin, puwedeng hindi pa tama ang pagkakataon para sa amin? O baka naman mali ang taong minamahal ko sa ngayon? Alin ba doon ang Mali at hindi tama? Mamá?"
"Kailanman hindi naging mali ang mag mahal. Pero minsan, tinuturuan tayo nito maging madamot at bulag kahit pa sobra na tayong nasasaktan. Alam mo kung ano ang hindi tama?" Tanong ni Mamá saka ako nilingon.
"Ang mag-mahal sa kasalukuyan pero pilit na lumalakad pabalik sa Nakaraan. Iyon ang hindi tama. Natasha."
"Po? Hindi ko ---"
"Sabi mo martyr ako. Siguro nga martyr ako. Dahil kahit na anong pilit ko na kamuhian at talikuran ang Papá mo, hindi ko ginawa. Dahil kapag ginawa ko iyon- magiging Mali na ang lahat. Nagiging Tama lang ang pag mamahal kapag nanindigan ka."
"At kung sinasabi mo na nasasaktan ka--walang wala pa iyan sa pinag daanan ko buhat ng makilala ko ang Papá mo Natasha."
"Nag sisisi po ba kayo kay Papá?" Tanong ko habang tinititigan siya.
"Hindi. Hindi Kailanman." Nakangiting sabi ni Mamá.
"Kahit pa paulit ulit ka niyang sinasaktan?" Tanong ko.
"Sa dami ng kasalanan at pasakit na naranasan ko sa Papá mo, isa lang ang tinitignan kong dahilan para manatili sa tabi niya. IKAW at si AUSTINE. Sa dami ng pangit na nangyari kayo ang magandang nangyari sa buhay ko. Kaya bakit ako mag-sisisi?" Nakangiting saad ni Mamá.
BINABASA MO ANG
The Millionaire's Slave
FanfictionCOMPLETED STORY BOOK I "PANGAKO" SUMPAAN NA KAILAN MAN AY DAPAT PINANGHAHAWAKAN GAANO MAN KATAGAL ANG PANAHON NG PAG HINTAY. A STORY OF NATASHA ARMADA AMORINE & SPENCER PASCUAL VAHRMAUX. BOOK2 "THE MILLIONAIRE'S SLAVE" (MISSING PIECE)