ASH POV
Bago matapos ang aking kaarawan, sabay kaming nag-dinner ni Spencer sa Mansion nila. Hindi na kami nasamahan pa ni Mamá para sana makisalo dahil kinakailangan rin niyang maka uwi. Dahil una sa lahat, walang alam si Papá sa mga nangyari.
Nang mag-karoon kami ng pagkakataon ni Mamá na makapag-usap, doon ko lang naitanong sa kaniya kung paano siya nagawang makumbinsi ni Spencer na kunin ang kaniyang basbas para hingin ang aking kamay.
Maingat at matipid ang bawat pag-sagot ni Mamá. Hindi niya masyado idinetalye ang mga kaganapan. Basta ang tanging nasabi lamang niya sa akin ay si Madam Mervie at Ginoong Generoso ang kumausap sa kaniya. Araw matapos ko ipasa ang aking report sa opisina ng Ginang.
Naalala ko na iyon din ang araw na ipinaalala sa akin ng Ginang ang magaganap na kompetisyon. At napansin ko nga na masyado siyang nag mamadali noong nagka usap kami. Iyon pala ay dahil kakatagpuin din nila si Mamá.
Kapansin-pansin ang bawat pag sulyap ng kaniyang ama. Kung minsan ay nakikita ko siyang ngumingiti sa anak. Na para bang sinasabing proud na proud siya sa anak niyang si Spencer.
Maraming tanong ang tumatakbo sa aking isip. Una, ay kung paano kaya nagawang talikuran ni Ginoong Generoso ang sinumpaang pangako niya sa magulang ng kaniyang kaibigan na si Kasandra Surio?
Pangalawa, paano naman kaya ito matatanggap ni Papá? Matatanggap nga ba niya si Spencer para sa akin? O siguro ang dapat na tanong ay Ako ba ang nais niya para kay Spencer o si Beatrixie?Ngayon lang ako sumaya ng ganito. Ngayon na lang ulit. Sana ay mahanap ni Beatrixie ang tamang tao para sa kaniya. Kahit paano ay unti-unti ko na rin siyang tinatanggap kahit pa wala pa rin pag-babago sa ugali niya.
"Natasha." Malambing na himig ni Spencer na yumakap sa akin mula sa aking likuran.
Nananalamin ako sa Oval mirror na may taas na five feet. Sinusuri ang suot kong bistidang kulay kahel. Araw ng linggo at sa simbahan kami pupunta. Madalas si Mamá ang kasama ko at ang totoo, ngayon ko lang makakasama si Spencer sa pag simba.
"Ready na ako." Malambing kong sabi saka inabot ang kaniyang ulo na naka dikit sa akin.
"Me too. Ready na akong isako ang anak natin once na kumatok sila habang pumuputak ka--"
Nanlaki ang aking mata. Agad akong kumalas sa kaniya. Hinampas ko ang kaniyang braso na tinatawanan lang naman niya.
"Ikaw! Napaka bastos ng bibig mo!" Pigil kong bulyaw habang patuloy sa pag hampas sa kaniya.
Mabilis niya naman hinawakan ang aking braso. Ano man ang pilit ko pero di na ako maka abante pa dahil masyado siyang malakas.
"Easy!" Natatawa niyang sambit.
"Puwede ba! Sa simbahan tayo pupunta-"
"Yeah. Sorry!" Sambit niya saka ako hinagip palapit sa kaniya.
"But seriously, ready na ako Ash." Seryoso niyang sambit at tipid na naka ngiti.
"Ss-sa'n?" Taas kikay kong tanong.
Humigpit ang kaniyang pag yapos sa akin bago sumagot.
"Napakabait ng Mamá mo." Sambit niya habang hawak ang aking baba.
"So?"
"So, gusto ko sanang suklian ang kabaitan niya. Susuklian ko ng mga---" *tumingala*
"Mga isang apo?" Dahan-dahan siyang bumaba ng tingin sa aking labi.
Bumalik ang tingin sa aking mga mata. Lumalim ang kaniyang titig. Makahulugan. Malikot ang mata habang kagat ang ibabang labi. Humahakbang paabante sa akin.
BINABASA MO ANG
The Millionaire's Slave
FanficCOMPLETED STORY BOOK I "PANGAKO" SUMPAAN NA KAILAN MAN AY DAPAT PINANGHAHAWAKAN GAANO MAN KATAGAL ANG PANAHON NG PAG HINTAY. A STORY OF NATASHA ARMADA AMORINE & SPENCER PASCUAL VAHRMAUX. BOOK2 "THE MILLIONAIRE'S SLAVE" (MISSING PIECE)