CHAPTER 8

1K 22 10
                                    

MIKA'S POV

"why you left her?"

.

.

.

"babe.."

agad akong lumingon sa may likuran ko. hindi ko inaasahan ang makikita ko. may hawak siyang bouquet nang bulaklak.

hindi ko naman ineexpect na ganito. pero sa simpleng smile at hug niya ay okay na ko. pero yung ganito, iba sa pakiramdam

hindi naman siya nanatiling nakatayo lang sa lugar kung saan ko siya nakita. palapit siya nang palapit. hindi ko alam kung sasalubungin ko ba siya.

hindi ko lang maexplain ang dapat kong gawin. hindi ko malaman ang dapat  kong sabihin. bagkus nakatingin lang ako sakanya. napako lang paningin ko sa bawat kilos na ginagawa niya.

hindi ko llubos malaman ang irereact ko nang makalapit na siya. unti-unti niyang inilapit ang bulaklak sa harap ko at agad na kinuha ang kamay ko.

"babe.."

tawag niya ulit sakin. unti-unting namuo ang luha sa mata ko. hindi ko maintindihan ang mararamdaman ko. masaya ba ako? okay ba ako.

natulala lang ako. habang hawak niya ang kamay ko. habang nakangiti siya sakin.

"babe.."

isa pa niyang tawag sakin. hindi ako makapaniwala na---

"i guess i'll leave you two alone.."

damn! i almost forgot.. im with her. unti-unting dumistansya si ara samin ni kiefer.

.

.

.

.

"nakita ko ang saya sa mata mo nang titigan mo siya."

nakayuko lang ako sa oras na to. andito lang ako sa condo niya. dito ako dumiretso after kiefer and I talk. i mean bond together. after naming magkita nila ara. at iwan niya ko with kiefer.

hindi ko kayang tignan si ara sa mata niya. hindi ko alam kung guilt ba yung nararamdaman ko o ano. i'll be honest, when I saw him. para bang nabuhayan ako, tumibok ang puso ko nang mabilis.

yung kanina na nag-uusap kami hindi mawari na yung nararamdaman ko. yung saya na pinapakita niya. yung pag uusap at tawanan na namagitan samin, yung mga taong naiwan namin ang isa't isa. iba ang feeling.

"kamusta ang bonding nyo?"

hindi ko pala na sagot ang tanong niya, pero nakatingin lang naman siya sakin. ramdam ko namang hindi siya galit sakin or tampo. ramdam ko lang na nasasaktan ko siya ngayon. it supposed to be our date. our day. our anniversary. but. we saw him. sa hindi inaasahang pagkakataon. sa hindi inaasahang oras.

"ara.. im--"

"no need to say sorry ye.. i understand."

hinawakan naman niya ang kamay ko at pinisil ito. tinatantya ko ang reaction niya. she's giving me her fake smile.

"anyways.. mukhang kumain ka nanaman. at hindi ka niya pinabayaan. i guess we need to go home.."

hindi ako agad sumagot sakanya. hindi na rin siya umimik kaagad.

"kumain ka na ba?"

tanong ko sakanya.

"oo.."

simpleng sagot niya.

hindi ko kasi alam kung sasagutin ko ang tanong niya. hindi ko alam kung handa ba akong umuwi sa lugar naming dalawa lang.

matagal bago siya nagsalita ulit. nakatingin lang ako sakanya, nakatingin lang siya sakin. hanggang sa lumamlam ang mga mata niya na parang nagbabadyang umiyak.

Tomorrow (KARA FANFIC-MIKA REYES AND ARA GALANG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon