ARA’s POV
“happy birthday!”
“happy birthday!”
“happy birthday!”
Naririnig ko bawat kanta nila sakanya. Dapat isa rin ako sa mga taong nakaharap sakanya at kumakanta para sakanya.
Ako rin dapat ang may hawak sakanya. Dapat ako ang nasa tabi niya, kaya lang. kaya lang andun na ang taong unang minahal niya. kita sa mga mata niya ang saya. Ang pagmamahal. Siguro nga, hindi ako ang para sakanya. Marahil hindi kami para sa isa’t-isa.
Napangiti na lang ako ng mapait at agad na nilagok ang alak na hawak ko ngayon, gumuhit sa lalamunan ko. masakit pero swabe, sana ganito na lang ang nararamdaman ko. kaya lang mas masakit yung nararamdaman ng puso ko. walang sinabi ang sakit na dinulot ng alak sa lalamunan ko.
May humawak sa kamay ko, andito rin si cienne. Pinilit niya kong samahan, noong una ayaw niya di ba ng idea na pumunta kami dito. Pero nung sinabi niya sakin ang bagay na lalong nagpakadurog ng puso ko ay siya na mismo ang nagprisinta na samahan ako sa araw na to.
“tama na yan ara..”
Bulong niya pa sakin. Pero hindi ako nagpapigil, gusto kong makalimot. Gusto kong maging manhid. Walang idea si mika na andito ako. Na nandito kami. Kahit si jessey na nag-isip ng plano na to ay hindi alam.
Nandito lang naman kami sa bar na pagmamay-ari ni jessey. Dalawang palapag ang ginawang built ni jessey dito. Oo si jessey ang nagdesign. Para san pa at naging architect siya. Actually, sinunod niya ang mga advice namin ni mika sa gagawin niyang design. How I wish sana nung si jessey ang nag advice sinunod rin ni mika.
Maraming tao ang nandito, may iilan akong kilala. May iba namang customer lang ni jessey. Humingi pa ko sa waiter ng isa pang shot. Gusto ko talagang ibaling ang sakit na nararamdaman ko ngayon sa alak na iniinom ko. para kahit paano itong sakit lang na ito ang nararamdaman ko.
“ara.. please let’s go home..”
Pilit kong binuksan ang mata kong papikit na. nakakalimang shot pa lang ako. Pero ganito na ang tama sakin. Hindi ko na nga lubos maintindihan ang mga bagay sa paligid ko. ang alam ko lang ay masaya siya.
“cienne.. just tonight. Gusto kong makita siya. Gusto kong uminom. I-record mo to, para may ebidensiya ka kinabukasan na hindi ko na ulit gagawin to.”
Nagulat si cienne sa sinabi ko, maging ako ay gulat. Bakit ko nga ito sinabi. Hay bahala na, epekto siguro ng alak.
Ang saya ni mika, hawak niya ang kamay ni kiefer. Habang nakasandal siya dito. Hindi siya ganito kasaya nung kaming dalawa ang magkasama sa harap ng maraming tao. Palihim kasi kami non, patago kumbaga. I know her point. Pero ang sakit palang makita na nagagawa nya sa iba sakin hindi. Napangisi na lang ako. Agad na palingon si cienne sa ginawa ko. tinaasan ko lang siya ng kilay at para bang ako pa ang nagtanong. Napailing na lang siya. Ako na malakas ang mantrip. Atleast wala akong ginagawang masama.
Patuloy lang ako sa pag inom. Hanggang sa..
“sabi ko na. you two are here..”
Hindi man malinaw sakin kung sinongg nagsalita. Pero alam kong babae to. Sa may likuran ko kasi siya nagsalita. Kita sa reaction ni cienne ang pagkagulat.
Kaya naman agad kong hinarap ito. Agad din itong sumalubong ng yakap sakin. Kakaibang yakap ang naramdaman ko. para bang ang tagal na simula ng makaramdam ako ng ganito.
“I miss you..”
Bulong niya sa tenga ko. napapikit naman ako. It felt so comfortable when she says it. Gumanti ako ng yakap pabalik.
BINABASA MO ANG
Tomorrow (KARA FANFIC-MIKA REYES AND ARA GALANG)
Fanfictionfalling for someone who is committed to someone else. finding each other at the most possibly wrong time.