Soh 2

336 16 18
                                    


Rachel

Ilang araw na ang lumipas mula nang ika'y aking muling makita. Pakiramdam ko ay dinalaw ako ng multo ng kahapon, ni ang matulog ngayon ng maayos ay hindi ko na rin magawa. Guilt is eating me straight up; yesterday was haunting me. Image of you crying in the cold rain— I never wanted any of that. 

Or have I really?

Bumalik na lamang ako sa aking ulirat nang makarinig nang isang malakas na tikham mula sa gilid ng aking cubicle, I was spacing at work and my manager just noticed. 


"Hindi ba't may deadline tayo ngayon?" sambit niya. "Binabayaran kayo dito hindi para tumunganga ha." paalala nito at umalis na. 

I breathe out nang makalampas siya. "Napag-initan ka nanaman ni maldita.." wika ni Jheck at tinapik nang bahagya ang aking balikat. "Ano ba kasing iniisip mo? Parang isang linggo ka na nasisita dahil sa mga output mo." 

Ngumiti ako nang pilit. "Gusto ko magpahangin muna." sagot ko.

"Edi lumabas ka?" taka nitong payo kaya natawa ako. Ibang hangin ang nagsu-suffocate sa akin sa sitwasyon na ganito. 

"Lilipas din ito." sambit ko at bumalik na sa aking ginagawa. 


Wala akong ibang choice kundi mag-overtime dahil hindi ko pa rin natatapos ang ginagawa ko. Although hindi pa naman submission nito bukas ay pinili ko na ring gumugol ng maliit na oras para mabawasan ang gagawin ko bukas at hindi ako maghabol. 

Tumunog ang phone ko at napansin ko namang may chat mula sa kaibigan ko— do I still think of them as one? I really don't know. Kinuha ko naman iyon at tiningnan ang nakapaloob na mensahe. Niyayaya niya ako maghangout, ilang taon na rin ang lumipas mula nang huli akong nagpakita sa kanila. Nagpalit ako ng numero, lumipat ako ng tinutuluyan; masyado akong nakinig sa mga sinasabi nila. Nakinig ako, masasaktan lang naman daw ako kay Mika.

Gusto kong balikan sila ngayon at itanong, bakit hanggang ngayon masakit pa rin? Na bakit parang nung hindi ko pinili si Mika ay nakalimutan ko na kung paano maging masaya ng totoo. Bakit nga ba ako nakinig sa kanila? 

Huminga ako nang malalim at nagcompose nang ire-reply ko rito. Gusto kong humindi, but something is pushing me to grab this kaya umoo ako at tinanong kung saan. Bago umalis nang opisina ay sinigurado kong maayos ang aking mga gamit. Bumaba lamang ako nang dumating na ang aking grab driver. 

Naging matagal ang byahe namin, pakiramdam ko ay bumibigat ang aking pakiramdam sa bawat stop light na aking nakikita, sa bawat metrong nababawas na distansya ko sa kanila. This just doesn't feel right pero parang kailangan ko ilabas ang sama ng loob na aking matagal nang kinikimkim. 

Nang makarating ako kung nasaan sila ay agad na rin akong nagbayad sa grab driver at huminga nang malalim bago pumasok sa isang high-end bar. Ofcourse, drinks would always be involve; isa sa mga bagay na madalas pag-isipan ni Mika kung papayagan ba ako o hindi. 

Honestly, it felt suffocating that time. 


"Rachel!" sigaw ng isa sa kanila at tumayo siya para salubungin ako ng yakap. I faked a smile not to ruin their moment dahil ngayon nalang kami muling nagkita. 

"Hi." maikli kong sambit. 


This is my set of so called friends who didn't want Mika for me— they had always viewed my relationship with her as a mess, that Mika is no good for me. And the thing they had in common? They're all straights, acting high and mighty because I chose to love someone of the same gender. 

A series of heartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon