Soh 7

225 14 6
                                    


Rachel

"Gising ka na pala." sambit mo nang pababa ka na ng hagdanan. 


Maaga akong nagising dahil wala naman ako sa sarili kong bahay, o sa tintuluyan ko kaya nakakahiya kung tatanghaliin ako, isa pa ay okay naman na ako. Dalawang araw naman na din ang lumipas. 


"Magluluto sana ako ng almusal." sambit ko, kakabangon ko lang din naman, bakit ba kasi ang aga mo magising, dati naman ay halos bulabugin na kita magising ka lang. "Ikaw? Bakit ang aga mo?" usisa ko. Isang maikling shorts ang suot mo at nakatank top ka lang. Sandali? Bakit para kang nang-aakit sa paraan nang pagbaba mo ng hagdan?

"Hoy." bigla mo namang pinitik ang noo ko kaya napahawak ako dito. Hindi ko namalayang nasa harap na pala kita. Hinawakan mo naman bigla ang aking noo, saka chineck din ang leeg ko kaya agad kong tinanggal ang kamay mo at nginitian ka. 

"Okay na ako." sambit ko. 

Tinaasan mo naman ako ng kilay saka ka humakbang ng isa paatras. "Ako na magluluto." 

Itinaas ko ang aking kamay na para bang sumusuko na kahit hindi pa man nag-uumpisa. "Okay." sarkastiko kong sagot.


Umiling ka naman at naglakad na papunta sa kusina. Sumunod ako sayo at naupo sa isa sa mga upuan sa bar counter mo, in all fairness, ang ganda nang pagkakadesign sa bahay mo. Tiningnan mo ako na para bang tinatanong mo kung bakit kita sinunandan kaya tinaasan din kita ng kilay. 


"Ano?" tanong ko sayo. 

"Bakit ka sumunod?" tanong mo at kumuha ng pancake mix sa kabinet. 

"Masama? Dadalawa na nga lang tayo dito, gusto mo pa mag-isa?" tanong ko sayo. 

Huminga ka naman nang malalim. "Ayun na nga, malaki na nga itong bahay, sunod ka pa nang sunod. Nai-invade personal space ko, miss." sabay kuha mo nang iba mo pang gagamitin. 

I mocked you. Nagmake face ako at tumigil nang humarap ka saka ngumiti. "Ang sungit mo, alam mo ba yun?" tanong ko. 

"Fine, magluto ka kung gusto mo." sabay tanggal mo ng apron mo. "Not because I let you stay, may karapatan ka nang kausap-usapin ako." nalungkot naman ako sa narinig kaya tumayo ako sa kinauupuan ko. 

"Mika." tawag ko sayo at tumingin ka lang nang blanko sa akin. Kinagat ko naman ang labi ko at napayuko saglit. "Babu, I'm sorry." lakas loob kong sabi habang nakatingin sa aking mga paa. 

"Rachel Anne." muli kang huminga nang malalim. "Stop it. Stay away from me. Let's be civil, but lessen our talks. Kung pwede, kausapin mo na lang ako kapag kailangan na kailangan." sobrang seryoso ang boses mo, natatakot ako. "Magluluto ka ba? O ako na?" bigla naman nag-iba ang himig ng boses mo. 

Agad kong pinunasan ang tumulong kong luha. "I'm sorry, I'll stay away from you." agad akong tumalikod at umalis na sa espasyo mo.


Oo nga, sampid lang naman ako sa bahay mo. Hindi mo naman din ginustong nandito ako, wala ka lang choice kaya't hinayaan mo na rin ako. Tumawag naman din ang tita ko, may kailangan daw bilhin ang pamangkin ko ngunit wala naman akong maibibigay. Sa lunes pa ako magsisimulang maghanap ng trabaho kaya baka matagalan pa ang sunod kong padala. Saan naman ako pupulutin sa isang libo diba?

Nang matapos ka magluto ng almusal ay nagtext ka na lamang na tapos na. Lumabas ako ng kwarto ko at wala ka naman doon. Muli kang nagtext at sinabing maaari ko namang buksan ang TV kapag nabagot ako. 

A series of heartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon