Soh 13

242 14 15
                                    




Rachel

"What do you want to say?" malamig mong tanong sa akin. Kinuha mo ang isang beer at binuksan iyon saka agad na ininom.


Tiningnan ko naman ang mga paa nating nakalubog sa tubig ng pool. I haven't really had the leisure para ikutin itong bahay mo dahil pakiramdam ko ay nanghihimasok pa rin ako. I never felt at ease dahil parang kahit anong oras ay bigla mong maalala ang nakaraan at magdesisyon na paalisin ako. Hindi na rin naman kasi ako sigurado sa iyo, sa takbo ng utak mo; hindi ko na masabing ikaw pa rin ang Mika na nakilala ko dahil alam ko, iniwan mo na rin yun nung gabing iniwan kita.


"Tumatakbo ang oras, Rachel." muli kang nagsalita.

Huminga ako nang malalim. "Ano bang gusto mo malaman? Bakit kita iniwan 4 years ago?" tanong ko.

Umiling ka. "No. Gusto ko malaman saan ako nagkamali, gusto ko malaman paano ka napunta sa ganung desisyon. Gusto ko malaman paano isang araw nagising ka nalang na Ay! Hindi ko na siya mahal. Kasi kahit anong isip ko, hindi ko pa rin alam. May kulang ba—" hinawakan ko ang kamay mo, ayoko kausapin ka na hindi ka kalmado dahil iisa lang ang pupuntahan nun sigurado. Napatingin ka naman sa kamay natin bago iangat ang tingin mo. "Please, tell me."


I puffed my cheeks upon hearing those, hindi ako pwedeng umiyak. Para akong unti-unting dinudurog ng boses mo, ganun ata talaga kabigat ang nagawa ko, dahil hanggang ngayon naghahanap ka pa rin ng kasagutan. Dahil ba sa mga pangako kong napako, o dahil gaya ng ayaw mong nangyari, ay nawala ako sa buhay mo.


"I let them get inside my head." pag-amin ko. "I wanted time for myself, Mika. Pakiramdam ko unti-unting humihigpit yung hawak mo sa leeg ko." panimula ko.

"Have I really?" tanong mo at ipinaling ang tingin mo sa akin, malungkot ang iyong mga mata. Umiling ako dahil iyon ang totoo, nasa utak ko lang na nasasakal na ako kahit hindi naman talaga iyon ang nangyayari.

"Sabi nila, hindi dapat tayo palaging magkasama." halos araw-araw tayong magkasama, maliban nalang kung busy ka or busy ako. Natawa ka naman bigla, alam ko naman na ang susunod mong sasabihin kaya inunahan na kita. "Yes, you are my girlfriend pero hindi kailangan umikot sayo ang mundo ko." dagdag ko.

Napakamot ka naman sa tenga mo. Tumingala ka naman para pagmasdan ang mga bituin. "What you're trying to imply is para bang ang selfish kong tao." kumento mo. No, you're not. Tumingin ka naman sa akin. "Am I really that type of person?" muli akong umiling bilang sagot.

"And then you had to work, na para bang doon na umikot ang mundo mo." napahinga akong malalim at natawa ka. Alam kong para akong tanga sa sinabi ko, para akong naghalo ng mantika at tubig na kahit kailan ay hindi naman maghahalo. "At nung nangyari yun, wala ka na daw oras sa akin." napalunok ako ng laway. Alam kong ang tanga ko sa mga nangyari. "Grabe noh? Una nasasakal, tapos wala ka naman oras. Saan ka nga ba lulugar sa akin?" pambabara ko sa mga pinagsasasabi ko pero nararamdaman ko na na para bang unti-unting may umaakyat na kamay sa aking leeg at sinasakal ako. My thoughts are suffocating me, natatakot ako sa kahihinatnan ng pag-uusap nating ito.

"This really is getting funnier, alam mo ba yun?" muli ka namang uminom. "And I'm getting more pissed." kitang-kita ko ang paghigpit ng hawak mo sa lata ng beer dahil nayupi na ito, the clenching of your jaw also says so.

"They told me I deserve better, someone who has the time and efforts. Someone who could date me kung saan ko gusto. Not someone who buries her head sa kanyang inaaral kapag free time. Nung nagkaroon ka ng trabaho dahil kailangan mong tustusan pag-aaral mo, naintindihan ko naman yun, Mika." huminga ako ng malalim at tiningnan ang reflection ng buwan sa tubig. "Ang hindi ko maintindihan ay parang lahat ng oras mo, kung wala sa trabaho ay nasa libro."

A series of heartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon