Soh 9

272 14 47
                                    


Rachel

"Is it really that hard?" tanong ko kay Ara habang kumakain kami dito sa pantry. Dumaan siya sa opisina mo kanina, at as usual ay tumanggi ka kaya ako na lamang ang niyaya niya.

Nagkibit balikat naman ang ating kaibigan sa aking tanong. "Hindi ako si Mika para masagot iyan, Chel." sabay subo niya ng kanyang kinakain. "Ano ba kasi talaga nangyari nung gabing yun?" tanong niya at napalunok naman ako ng laway. "Isa lang kasi alam ko, side ni Mika. Tho she never went sa buong istorya, she told me she's no good for you, and your so called friends?" she smiled awkwardly at napailing. "So, what is yours?" ngumiti naman siya bago muling isubo ang kutsarang may lamang pagkain.

Umiling lang ako at nginitian siya. "Siguro nga mahirap talaga." yun na lamang ang naisagot ko kaya't napailing naman siya.

"Heto nalang, ano ba talagang gusto mo? Maibalik yung friendship? O maibalik sayo si Mika?" deretso niyang tanong na kung ihahalintulad siya sa sasakyan ay nabangga niya na ako.

Tiningnan ko siya nang mata sa mata at huminga nang malalim. "Merong parte sa akin na nanghihinayang, na nagsisising nagawa ko siyang iwan; but that doesn't mean na mahal ko pa si Mika." I brushed my hair at inikot-ikot ang tinidor sa pasta. "I can feel her resentment when she looks at me. Siguro gusto ko lang talagang maging okay kami."

Natawa naman siya bigla. "Alam mo ba yung kasabihan? Na kapag ex na, ex na?" sabay tawa niya.

"But she was my bestfriend." kinagat ko naman ang aking labi. Ilang beses ko na bang naikatwiran ang bagay na ito?

"And? She's still your ex. Aren't exes supposed to be left as exes? Or, you'll be deemed as the ex who really haven't moved on." sabay ngiti niya.

"I just want my Mika back, my bestfriend." nakayuko kong sambit at pinilit na lamang kumain.

"You're being selfish alam mo ba yun?" that striked right thru me dahil alam ko na totoo naman ang sinasabi niya. "Kung manhid ka, let me tell you this."


Nasasaktan pa rin siya.


Yun ang sinabi sa akin ni Ara. Mga katagang alam ko naman, dahil kilala kita. Your stares, glances and tone, all of it tells me very well.

Impossible na ba talaga?

Sa loob ng isang linggo na nandito ako, ay parang hindi mo pa ako inutusan. Miski magdala ng papers sa desk mo, ikaw pa ang lumalabas para kunin ito. Miski nga yung ip-present niyo nung nakaraan na hinanap sa akin ni Cyd ay hindi mo rin pinagawa sa akin. Minsan naguguluhan din talaga ako sayo. Isa lang naman ang sigurado ako, ayaw mo akong kausap. Kaya naman tuwing uwian na ay nagsasalpak na lamang ako ng earphones at ipinipikit ang mata.


"Mam." tawag sa akin kaya napaangat ako ng tingin.

"Sir." bati ko naman kaya natawa siya. "Ano ka ba, Peter nalang."

Tumango naman ako. "Bakit pala?" tanong ko.

"May welcome party daw department natin para sayo, mamaya sana. Good ka ba?" tanong niya, all smiles pa ito. Lagi niya akong kinukulit kapag napapadaan siya sa pwesto ko. Lumabas ka naman at napatingin kay Peter. "Engineer." bati nito sayo.

"Engr. Torres, what brought you here?" tanong mo at napatingin sa akin.

"Ah kasi mam, ngayon daw po sana yung welcome party para kay Rachel, niyaya ko lang." halos maningkit na ang mata nito.

Muli kang tumingin sa akin at tinanguan mo lang ang kausap mo. "Miss, paki sort naman itong project proposals per year, may hinahanap kasi ako." sabay lagay mo ng isang kahon sa gilid ko.

A series of heartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon